binabasa mo ang...
Kahit Kapirasong Langit

Kahit Kapirasong Langit (9).

Laking pasasalamat ang maibibigay ko sa oras dahil sa kaaya-aya nitong pagpapaunlak sa mithiin kong makalimot sa pamamagitan ng mabilis nitong pag-usad. Kung palaging magiging ganito, hindi na magiging mahirap para sa akin ang bumitiw sa paninisi sa sarili ko. Pero kung paglimot ang pag-uusapan, ibang bagay na iyon. Hindi ko kailanman makalilimutan ang lahat ng nangyari—Heto nga, tatlong araw nang nasa ilalim ng lupa ang labi ng pinakamatalik kong kaibigan. Ikatlong araw na ng pagpunta ko sa sementeryo para bisitahin siya.

Ipinangako kong araw-araw ko siyang bibisitahin at ipagtitirik ng kandila kaya hanggang sa huling araw na ipagkakaloob sa akin ng Panginoon upang mabuhay, maglalaan ako ng panahon sa pag-alala kay Mariel.

Ang araw na iyon ay maaliwalas. Maging ang paligid ng puntod ni Mariel ay hindi makikitaan ng bakas ng kaguluhan. Mukhang nakikisimpatiya sa akin ang panahon. Maraming salamat sapagkat nagkaroon ako ng lakas ng loob na ngumiti.

Rest In Peace
Mariel A. Fulgencio
Born: February 13, 1991
Died: August 10, 2007

“Masarap palang ngumiti, Mariel. Sana palaging ganito. Palagi sanang masaya… maganda’ng panahon… Kung nasaan ka man, masaya ka na siguro. Huwag kang mag-alala sa’kin. Huwag mo na ‘kong intindihin…”

Bigla akong tinakasan ng sasabihin. Muntik-muntikan nang kumawala ang mga luha. Mainam na napigilan ko ang mga iyon.

“Hindi ako iiyak,” nakangiti kong sabi. “Pagpasensyahan mo lang ang best friend mo. Tingnan mo. Nakangiti ako.”

Sa pagbuntung-hininga ko, nawalan na naman ako ng masasabi. Mabuti pa yatang namnamin na lang ang katahimikan sa lugar na iyon. Hindi ko nakalimutang kaaya-aya ang umaga. Dapat kong sulitin. Bihirang itong mangyari. Bihira rin akong ngumiti at tumawa—

Kasabay ng pagkarinig ko sa isang marupok na kaluskos ang paglinga ko sa gawing kanan. Nabaling ang tingin ko sa isang lalaki—isang matandang lalaking ang ulo ay hindi kakikitaan ng itim na buhok. Nakasuot siya ng puting pantaas at simpleng pantalon. Napabalikwas ako nang marinig ko ang pagtawa niya. Isa iyong pagtawang hindi kawatas-watas kung nang-iinis o nagagalak. Natakot ako. Lalo pa akong nasindak nang pinagmasdan niya na ako. Ang hawak niyang malaking walis ay nagmistulang mahabang patalim sa paningin ko. Nang nakuha kong ilagay ang sarili ko sa realidad, bumalik ang pigura ng matandang lalaking iyong tuloy pa rin sa pagtawa. Walang ibang taong maaari niyang tawanan kundi ako. Labis akong nagtaka. Itatanong ko na sana kung bakit niya ako tinatawanan nang walang kaabug-abog siyang tumalikod at umalis.

Naiwan akong mag-isang muli sa dakong iyon ng sementeryo. Nakatulala. Lumilipad ang isip.

 

Talakayan

6 thoughts on “Kahit Kapirasong Langit (9).

  1. Ano po b ito,,,horror story?

    Posted by morena | Setyembre 30, 2014, 11:47 umaga
  2. Nkakatakot nman un. .

    Posted by eli | Nobyembre 2, 2013, 6:42 umaga
  3. is this a suspense or horror?

    Posted by joyjoy | Agosto 19, 2010, 1:32 hapon
  4. hahaha para ngang horor

    Posted by chen | Pebrero 10, 2009, 2:16 hapon
  5. wahhh..horror ba eto???? kakakaba naman..hehehe…

    foo: romance po yan. may pagka suspense lang.

    Posted by roxanne | Enero 29, 2009, 2:39 umaga
  6. hmmmm… may kababalaghan… awwwwooooooowwwwwww… ahehehehhe :))

    Posted by michelle | Hulyo 23, 2008, 12:52 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Marso 2008
M T W T F S S
    Apr »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: