binabasa mo ang...
Kahit Kapirasong Langit

Kahit Kapirasong Langit (7).

Hanggang ngayon, naniniwala pa rin akong isang magandang pook ang mundo ng panaginip. Doon marami kang makikita, marami kang puwedeng gawin, makilala, malaman… Kung maaari ko lang tirhan ang mundong iyon sa mahabang panahon, doon na lang sana ako kung saan nagkakaroon ng katuparan ang kahit anong gustuhin ko. Sa ganoong klase ng lugar, may pagkakataong nagkakaroon ka mismo ng kontrol sa mga nangyayari. Kung sa totoong mundo, may oras na sinusundan kung saan nakaayon ang lahat ng bagay, sa mundo ng panaginip, nakadepende na ang lahat sa imahinasyon mo, sa takbo ng pantasya at sa siklo ng pangarap.

Kakaiba ang mundong ginalawan ko nang gabing iyon. Unang beses kong makatulog ng may kapayapaan sa puso, may katahimikan sa budhi at walang kung anu-anong iniisip na problema. Sa panaginip ko, magkasama kaming dalawa ni Brixx. Masaya kaming nagkukuwentuhan nang marinig ko mula sa kalapitan ang umuugong na boses ni Mariel. Nanatiling may kagalakan sa mukha si Brixx na para bang walang pakialam sa paglangitngit ng tinig na iyon. Tumindig ako upang mapuntahan ang pinanggagalingan ng paulit-ulit na ungol. Dumilim ang paligid. Halos wala akong makita maliban sa liwanag na abot ng paningin ko. Napakalayo man ng liwanag na iyon mula sa akin, inabot ko pa rin ang hangganan ng malakuwebang tagpuang iyon. Nang maabot ko ang liwanag ay nawala ang kadiliman. May isang malaking kabaong na nakalapag sa lupa sa halip na nakaangat. Ibinaling ko ang lahat ng pansin sa di-ordinaryong kabaong na may sukat na animo’y pandalawahan. Hindi nalaon ay may kung anong pumilit sa aking hawakan ang unahan ng kabaong upang mabuksan ito sa
kabila ng lagim ng takot na kumakain sa akin. Nabigatan ako habang inaangat ang panig na tumatakip sa laman nito. Nang magawa ko iyong buksan ay bumulaga sa akin ang malamig na bangkay ni Mariel katabi ang isa pang inaagnas na katawan ng isang babae—katawan ko.

Maraming butil ng pawis ang namuo sa noo ko. Ang paggising kong iyon ang pinakanakakatakot kong paggising sa ngayon. Hindi nagtago ang mga luha kahalo ng matinding kaba. Hindi ko alam kung ano ang tamang sambiting panalangin. Wala akong ibang naisip kundi ang paghingi ng kapatawaran sa lahat ng nagawa kong kamalian.

Tunay ngang ang mundo ng panaginip ay isang magandang lugar.

Talakayan

7 thoughts on “Kahit Kapirasong Langit (7).

  1. Hay nku wag kasing magkakakain ng marami sa gabi…

    Posted by morena | Setyembre 30, 2014, 11:43 umaga
  2. Nkakatakot. .

    Posted by eli | Nobyembre 2, 2013, 6:35 umaga
  3. the story was written artistically:)

    Posted by joyjoy | Agosto 19, 2010, 1:27 hapon
  4. takot namna yang dream..

    Posted by nime | Abril 23, 2010, 9:16 hapon
  5. naku kakatakot naman ng panaginip mo…

    buti nagising ka pa hahahah

    Posted by chen | Pebrero 10, 2009, 2:12 hapon
  6. wwaaaa… nu ba yan ang pangit ng nightmare mow donna!!!….amfamf xD

    Posted by michelle | Hulyo 23, 2008, 12:46 hapon
  7. oi donna! naku! kung totoo ka lang dapat ikaw na lang ang nasagasaan. hmpf!

    Posted by foobarph | Marso 20, 2008, 2:58 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Marso 2008
M T W T F S S
    Apr »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: