binabasa mo ang...
Kahit Kapirasong Langit

Kahit Kapirasong Langit (5).

Pumasok ako sa silid niya nang hindi kumakatok. Ayaw niyang hindi kumakatok kapag papasok sa kuwarto niya, pero ngayong wala na, ano pa ang magagawa ng pagkatok kung ipapaalaala lang nito ang kaibigan ko? Walang ni isa mang bagay ang nagalaw sa loob ng kuwarto niya. Bagyong dumaan na hindi nag-iwan ng ni isang bakas ang trahedyang nagpalubog sa akin sa napakatinding paghihinagpis.

Umupo ako sa kama niya at napansin ang pinakamamahal niyang bagay: ang kanyang diary. Hindi ito naka-lock kaya malaya ko itong nabuksan.

Dear Diary,

Nakuha na rin kita sa wakas. Guwapo yung nakakuha sa’yo. Gentleman pa… Pero hindi ko siya gusto. Alam mo, may sasabihin daw siya sa’kin bukas. Ano kaya ‘yun? Siya nga pala si Brixx….

…bakit kaya parang iba ang kinikilos ni Donna? Siguro, in love, hindi lang sinasabi sa akin. Alam mo, mahal na mahal ko iyang si Donna. Napakabait niya kasi sa akin kahit na mapang-asar kung minsan. Ayokong mawala siya sa buhay ko….

…kung papipiliin ako, si Donna ang pipiliin ko kaysa kay Brixx. Sabi nga pala ni Brixx, gusto niya daw si Donna. Aba! Talaga?….

Dear Diary,

Kasama ko ngayong araw si Brixx. Ang saya-saya ko. Kaso hindi naman siya masaya. Pa’no ba naman, wala ‘yung mahal niya. Sino pa ba? E di, yung pinakamamahal kong best friend. Sabi niya kasi may kakabisaduhin pa siyang speech. Sayang talaga. Sasabihin na sana sa kanya ni Brixx kaya lang wala siya. Di bale, next time, magkakaroon din si Donna ng time….

…Pumunta kami sa mall. Nilibre ako ni Brixx ng merienda. Tapos umiyak siya sa akin. Niyakap ba naman ako. Nagpasalamat siya sa akin kasi nandito ako para sa kanya… Lam mo, nahihirapan na talaga siya kasi parang iniiwasan na siya ni Donna…. May problema kaya siya?

Dear Diary,

Hay naku… Baliw na baliw na talaga itong si Brixx kay Donna. Alam na nga niya lahat tungkol kay Donna kasi ba naman sa akin niya tinatanong lahat. Hindi ko naman mapagsinungalingan kasi mabait naman siya and I want him for my best friend…. I hope everything will turn out good in the end.

…Sayang wala ngayon si Donna. May roses pa namang binili si Brixx this Valentine’s day. Hay naku naman…. Sayang naman ‘yung mga bulaklak. Umiyak na naman nga pala si Brixx sa kanya. Awang-awa na ko sa kanya. Dapat ko na sigurong kausapin si Donna tungkol sa nararamdaman ni Brixx. Pero dapat pa nga ba? Baka naman magalit si Brixx kapag ginawa ko ‘yon.

Dear Diary,

…May kumakalat na tsismis. Pinagkakalat ng nakagalit ni Brixx sa basketball na kami na daw. Ang sama naman. Baka dumating ang tsismis kay Donna. Baka maniwala siya. Kakausapin ko siya mamaya….

…wala siya… ayokong magkagulo.

…ayaw na akong maging kaibigan ni Donna. Akala niya kasi kami talaga ni Brixx pero ang hindi niya alam ginagawa ko ang lahat para mapaglapit sila.

…hindi kasi napapansin ni Donna. Hindi ko intensyong humantong sa ganito ang lahat. Ayaw kong mawala ang best friend ko. Naiinggit daw siya kasi kami na daw ni Brixx, e hindi naman totoo iyon diba?….

…sana maniwala na sa akin si Donna. Akala niya may gusto ako kay Brixx….

…Mahal na mahal ni Brixx si Donna… hindi ata alam ni Donna. Torpe talaga itong si Brixx…. Bakit ba hindi napapansin ni Donna na mahal na mahal siya ni Brixx noon pa man?

Huminto ako.

Hindi ko napigilang umiyak.

Mali ako. Nagkamali ako. Hindi ko man lang inisip ang best friend ko. Mahal ako ni Brixx… Pero iba ang pagmamahal sa isang tunay na kaibigan.

Mahal ako ni Mariel, ang best friend ko, pero binaliwala ko lang ang lahat.

Unti-unti akong napaluhod sa sakit na nararamdaman ko at pinakawala ko ang lahat sa pamamagitan ng pagsigaw.

Talakayan

16 thoughts on “Kahit Kapirasong Langit (5).

  1. Ay ang torpe ni brixx yun tuloy ndamay p c mariel…

    Posted by morena | Setyembre 30, 2014, 11:32 umaga
  2. real frend z mariel pero dahil s misunderstanding nwla ky donna ang totoong taong ngcare dn s knya hahah watever so sad…

    Posted by luvlyangel | Disyembre 13, 2013, 1:15 hapon
  3. Ang sad nman.

    Posted by eli | Nobyembre 2, 2013, 6:16 umaga
  4. it’s so sad, I feel sorry for Donna !!!!

    Posted by joyjoy | Agosto 19, 2010, 1:08 hapon
  5. ang haba ng chapter pero short lng ung mga message..

    kakaiyak nanghihnaang ako sa friendship nila..
    minsan lang tayo makatagpo ng kaibigang laging nandiyan
    matatakbuhan pagmayproblema, ung bang maasahan,
    laging kasama sa kalokohan..
    nalala ko tuloy mga friends ko hindi naman dahilan ang 1 yr naming di pagkikita para deadmahin ang isat isa.. bakit kaya.. proud pa nga ko dahil friends ko cla pero parang baliwala sa kanila ang friendship namin.. hai..nagcracry na q..huhuhu.

    anu bayan hai..

    Posted by nime | Abril 23, 2010, 8:52 hapon
  6. grabeh!!!!!!!!!!!!
    naiiyak nqsa story!!!!!
    huhuhu!!!!!!

    Posted by wew | Enero 30, 2009, 7:12 hapon
  7. baka naman mamatay din si donna ah..ahaha..sa sobrang pag-sisisi..huhu..wawa naman nya

    Posted by roxanne | Enero 28, 2009, 10:31 hapon
  8. salamat sa mga nagbasa.

    Posted by Paurong | Nobyembre 29, 2008, 1:40 hapon
  9. exciting pala dito e. padalaw ng madalas ha! =)

    Posted by hisnameisdencios | Nobyembre 20, 2008, 1:23 hapon
  10. awww…bakit naman ung mga mabubuti ang hangarin sa iba sila pa ang nauunang mamatay😦

    Posted by Rose | Nobyembre 20, 2008, 11:56 umaga
  11. tama kayong lahat. sige next page

    Posted by razy_love | Nobyembre 9, 2008, 3:47 hapon
  12. wwwwwwwwwwaaaaaaaaaaaaaaa………….

    huhuhuhuh… ka nice sa iyang bestfwend oie dayon namatay rah…. ipahbalik xia oie… buhia c MaRiEl… ♥♥♥ wahehehehehe

    Posted by michelle | Hulyo 23, 2008, 12:21 hapon
  13. iF ThEReS SoMe1 wHO caN hELP Me..
    AnD GIvE Me AdvIse..AnG sOmE1 WhO Is WILLInG 2
    KnOw My sToRy PlZz cOnTaCt Me 2 loverz_juvin18@yahoo.com
    oR EmAIl NyO AkO sa junice_cute2007….
    WAiT Ko AdViSE NyO

    Posted by juniCe | Abril 27, 2008, 2:04 hapon
  14. AhH Uu iBa tlaga AnG lOvE BetWEeN fRiEnDsHIP
    mE NgA inLUv aKO SA BeStFriEnD koH.aNd He lUvS
    mE ToO pERo aNonG GAgAwIn KO AnG daMinG hAdlAng
    SA PaG iBiG nAmiNg DAlAWA…SAbI nYa BaKIt daw
    Nde nMIn SuBuKaN aNg PaGbIgYaN unG loVE nMIn
    SA IsaT iSA… KasO NaIsIP koH.. AnG loVe KASi
    aNy TYm PweDEnG mAgEnD DiBa PerO AnG frIEnDsHIp
    Has nO ENdInG..tAmA dIn nmAn DiSiSyon KO dBa..?
    AyAw KO LaNg dUmAtIn YoNg TYn nA MawaLa SyA saKin…
    AnU HeLP Me nmAn i neEd SoMe1 WhO caN gIve mE aDvIsE ..
    pLllLzZZz…

    Posted by juniCe | Abril 27, 2008, 1:59 hapon
  15. grabe nama iyan… hayyyzzz ang sakit nmn nun… bakit kailangan pang mawala ung best friend nya para malaman nya ang 22o d ba… nxt nxt…

    Posted by filipina_dk | Marso 26, 2008, 12:00 hapon
  16. talagang iba ang love between friendship and lovers.

    susme, inutil ka donna! grrr!

    Posted by foobarph | Marso 20, 2008, 2:47 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Marso 2008
M T W T F S S
    Apr »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: