binabasa mo ang...
Kahit Kapirasong Langit

Kahit Kapirasong Langit (4).

Lumipas ang mga araw at nagtapos din ang Graduation Day namin na hindi ko masyadong ikinagalak dahil noong araw na iyon mismo ko nalaman na sina Brixx at Mariel na. Mabilis pa sa apoy ang naging pagkalat ng balita. Nalaman ng lahat sa campus ang matagal nang itinatagong relasyon ng dalawa.

Isang Sabado, nang magtungo ako sa mall mag-isa ay nakita kong magkasama sina Brixx at Mariel na kumakain sa food court. Matagal ko na silang hindi nakita simula noong Graduation Day isang buwan na ang nakaraan. Hindi ako nagpakita sa kanila sapagkat pagmamasid lang ang naisip kong gawin. Nagitla ako nang makita kong lumapit si Brixx kay Mariel at niyakap siya nito. Hindi ko na hinayaang makita pa ang maaaring sumunod na mangyari. Lumayo ako at umuwing luhaan.

Sa kalungkutan ko, naisip kong gumawa ng huling liham para kay Mariel. Naisip kong mas mainam na magkaroon ng tinatawag na ‘closure’ sa Ingles sa pagitan naming magkaibigan kaysa magpatuloy ang hindi malinaw na koneksyon naming dalawa. Hindi ako nagdalawang-isip sa pagsulat ng lahat ng gusto kong sabihin sa liham na iyon. Total kahuli-hulihan na iyon, maiging ibuhos ko na ang lahat nang mabawasan na ang bigat sa dibdib ko.

Itinago ko ang liham na iyon sa bag na araw-araw kong dala sa aking mga lakad at nagbaka-sakaling isang araw ay magkasalubong kami ni Mariel. Maraming araw akong naghintay. Umasa akong tadhana na mismo ang magkukrus ng landas naming dalawa kagaya noong unang beses na nagkausap kami… noong araw na naging magkaibigan kaming dalawa. Siyang tunay, matapos ang dalawang buwang paghihintay, nagkasalubong kami sa tapat ng eskuwelahan ni Mariel. Inabot ko sa kanya ang liham at walang kaabug-abog na lumayo kaagad.

Dear Mariel,

Gusto ko lang malaman mo na inggit na inggit ako sa iyo. Naiinggit ako kasi kayo na ni Brixx. Bakit nga naman ako dapat mainggit?

Alam mo, mahal ko siya. Mahal ko si Brixx. Kaya ako nagkakaganito. Kaya ako hindi ako makatulog, kakaisip sa kanya.

Alam mo ba, siya ang lagi kong dahilan sa tuwing may basketball game. Parati ko siya noong nakikita sa gym… Hanggang sa nahulog ang loob ko sa kanya… Ewan ko ba kung bakit nagmahal ng ganito ang best friend mo. Pasensya na talaga kasi nahulog ako kay Brixx lalo na noong tumagal na ang aming pagiging magkaibigan. Kung hindi dahil siguro sa’yo ay hindi kami magkakakilala niyang boyfriend mo.

Congratulations nga pala, girlfriend ka na niya. Don’t get me wrong. Hindi ako sumulat para sabihin sa’yo na tumututol ako sa inyong dalawa, ang akin lang ay malaman mo yung nararamdaman ko. Alam mo naman ako, diba? Sa sulat idinadaan ang mga bagay na nasa loob ko. Ang hirap kasi kung kakausapin pa kita. Iba na kasi ngayon. Hindi na kagaya ng dati. Pagpasensyahan mo na nga pala ako kung naglihim ako sa’yo noon na hindi ko kaagad sinabi na mahal ko si Brixx.

Ito na siguro ang huli kong letter sa’yo at huli na siguro ito para sa ating dalawa. Mahirap kasing magsama pa tayo kung nasasaktan naman ako. Sana maintindihan mo ako.

Paalam na.

Ingatan mo si Brixx, ha!

Hanggang dito na lang, namumugto na ang mga mata ko.

Paalam.

Donna.

Ewan ko ba pero kinabukasan ay inabangan ko siya sa parehong lugar. Sa huling pagkakataon, bago ko tuluyang isara ang lahat, gusto ko siyang makita. Sa huling pagkakataon, gusto kong mabuhos ang nararamdaman ko sa harapan niya. Ayokong matapos sa isang sulat ang mahabang pagsasama naming dalawa. Maaari pang maayos, sigaw ng utak ko.

Sa parehong oras, dumating kinabukasan si Mariel sa pook na kinasalubungan namin. May dala siyang liham para sa akin. Hindi ko siya matingnan sa mga mata kaya’t hindi ko masabi kung ano ba talaga ang reaksyon niya sa liham ko. Matagal na nakataas ang kanyang kanang kamay hawak ang liham. Hindi ko alam kung dapat ko bang tanggapin ang liham niyang iyon. Para saan pa? Para ipagmalaki niya ang kung ano ang mayroon siya ngayon?

Namayani ang kagustuhan kong matapos na ang lahat. Nadaig ang pagnanais kong maayos pa ang pagkakaibigan namin. Kinuha ko ang sulat niya ngunit agaran ko iyong pinunit sa isang marahas na paraan. Itinapon ko ang pira-pirasong papel sa mukha niya. Ramdam na ramdam ko ang pagkulo ng pakiramdam ko.

“Donna… mag-usap tayo.”

“Wala nang pag-uusapan pa! Tapos na tayo. Kalimutan mo na lang na may nakilala kang best friend na kagaya ko. Kalimutan mo na lang na nakilala mo ako. At huwag na huwag mo na akong ituturing na best friend mo!”

Tumakbo ako palayo. Tinulinan ko nang marinig kong humahabol siya.

“Donna… mag-usap tayo.” Narinig ko ang pagnginig ng kanyang boses. Hindi ko man siya nakita ay sigurado akong umiiyak siya. “DO–NNA!!!”

Lumiko ako at tumawid sa kabilang kalye nang biglang—

– Ang lakas ng ulan.

– Wala akong payong.

– Halika, nababasa ka, sumilong ka. Naku, basang-basa ka na… Ano’ng pangalan mo?

– Donna.

– Saan ka nakatira?

– Doon… doon sa malayo. Ano’ng pangalan mo?

– Mariel pangalan ko.

– Ang ginaw! Hindi dapat nagpapaulan. Sige ka, baka magkasakit ka.

Sigawan. Trapiko. Mga sasakyang nagparadahan. Umuugong na sirena ng ambulansya. Mga mapag-usisa. Iilang saksi. Mabilis na pangyayari.

“MARIEL!!!”

Dinala siya sa pinakamalapit na ospital. Walang makapanahan sa akin. Kasalanan ko kung bakit iyon nangyari sa kanya. Mabuting sisihin ako sa nangyari. Pulisya. Mga doktor. Nars. Umabot ba sa ospital? Humihinga pa ba? PAK!

“Ano na po ba ang nangyari? Maayos na po ba siya, Dok?” sunud-sunod ang naging tanong ko sa doktor.

“I’m sorry pero we she should not be here anymore. Wala na siya.”

Wala na. Wala na siya. Aksidente lang daw, ngunit kung hindi ako nag-asal utak-ibon ay buhay pa sana siya.

Talakayan

12 thoughts on “Kahit Kapirasong Langit (4).

  1. ahahahha…takit

    Posted by aki | Nobyembre 24, 2015, 3:45 hapon
  2. makibasa nalang nga kayu dami pang puna hahahahah ….

    Posted by aki | Nobyembre 24, 2015, 3:44 hapon
  3. Ay pangalawa lng si donna k brixx,,tsk,,mejo sablay..

    Posted by morena | Setyembre 30, 2014, 11:28 umaga
  4. ang heavy naman haha

    Posted by luvlyangel | Disyembre 13, 2013, 1:11 hapon
  5. Omg

    Posted by eli | Nobyembre 2, 2013, 6:11 umaga
  6. I got my eye misty:(

    Posted by joyjoy | Agosto 19, 2010, 1:03 hapon
  7. bat ganun, dami pa ring mali s words na ginagamit mo?..
    hehehhe…

    Posted by sweet _anne | Hulyo 23, 2010, 1:00 hapon
  8. naku…sure ko ang sisisihin ni brixx sa nangyare ay si donna…baka gantihan pa sya nito dahil sa nagyare..kaso bigla naman pinatay ni mr.author si mariel..ahaha

    Posted by roxanne | Enero 28, 2009, 10:27 hapon
  9. bakit nam ganun ha.
    next na lng..

    Posted by razy_love | Nobyembre 9, 2008, 3:37 hapon
  10. toinkz! ang aga namang namatay ni Mariel! pinatay mo naman xia kaagad… hmpf ~x(

    Posted by michelle | Hulyo 23, 2008, 12:15 hapon
  11. toinkz! ang aga namang namatay ni Mriel! pinatay mo naman xia kaagad… hmpf ~x(

    Posted by michelle | Hulyo 23, 2008, 12:14 hapon
  12. WATTTTTT!?

    langhiya ka paurong, pinatay mo agad si Mariel! Wala man lang “erotic” scene between her and brixx? grrrr!

    mukhang maaga mong tatapusin itong novel mo ah. naku po, uunahan mo pa ata akong makatapos aah. ahehehe.

    nextttt!

    Posted by foobarph | Marso 20, 2008, 2:44 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Marso 2008
M T W T F S S
    Apr »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: