binabasa mo ang...
Hanggang Kailan

Kabanata 1: Hanggang Kailan

Hanggang Kailan

Hanggang Kailan

“GUSTO kong maging doctor…..” sambit ni Jen habang nakahiga sa damuhan at nakatingala sa mga dahon ng mangga na lumililim sa kanila.

“Okay lang yan, alam ko naman kaya nila Auntie na pag-aralin ka, isa pa di malayong magiging iskolar ka, ang talino mo kasi…” sagot ni Rommel habang nakatitig sa mukha ng kausap.

“Hay…. Hanggang dun lang ba ako? Ano ba yan mula pa kinder ako yun na palagi kong naririning…” tila nayayamot na sambit ng 12 anyos na si Jen at bumangon mula sa pagkakahiga.

“Ano ba nasabi mo na nagalit ka?” nagtatakang tanong ni Rommel.

“Yun nga palagi na lang maririning ko mula sa ibang tao na matalino ako…makakagraduate ako mula sa magandang course sa college, para kasing unfair. Parang kailangan na isubsob ko sa libro ang sarili ko. Ang taas ng expectation nila sa akin Mel….” Tila nagrerebeldeng reklamo ni Jen sa kausap.

“Pero alam mo naiinggit ako kay Lenlen… sa kanya walang mataas na standards na kelangan nya abutin…ang sarap ng buhay ng kapatid ko…at ang swerte niya, Maganda siya.” Halata ang insecurity sa boses ng batang babae habang nakatingin sa malayo.

“Di naman ah, alam naman natin kung ano ang kaya mo, siguro lang naninibago ang baryong ‘to sa isang gaya mo, alam mo naman wala pang nakakasali sa mga quiz bees at contest mula sa scholl natin noon , ikaw pa lang…proud lang sila sayo kaya inaasahan nila maganda ang kinabukasan mo.” Sabi ni Rommel na bumangon na rin sa pagkakahiga sa damuhan at lumapit ng upo kay Jen.

“Isa pa sino may sabing di ka maganda? Para sa akin ikaw ang pinakamaganda sa buong San Jose.” Dagdag pa ng binatilyo at hinawakan ang kamay ng dalagita habang nakatitig sa mata nito.

“Ungas, sinasabi mo lang yan kasi sinagot kita kahapon!” singhal kunwari ni Jen sa kausap sabay baling ng tingin sa kabilang panig ng burol kung saan makikita ang pag-agos ng ilog. Pero sa totoo ay namumula na ang pisngi niya sa sinabing yun ng “nobyo” nya.

Sa maagang edad na dose anyos ay nagsimulang umusbong ang relasyon ng magkababatang si Rommel at Jen. Si Rommel ay solong anak ng may-ari ng malaking lupang sakahan sa San Jose. Si Jen naman ay panganay sa dalawang anak isang sundalo ang ama ni jen at ang Ina nya ay ang Assistant principal ng nag-iisang eskwelahan sa baryo nila. Matalino si Jen at malamang kesa hindi na siya ang maging Valedictorian ng klase nila, samantalang si Rommel sa murang edad na 12 anyos ay nakikitaan na ng pagiging magaling na atleta sa basketball, bagaman siya ay katamtaman lamang ang talino sa mga asignatura nila.

“Mel alas-4 na pala baka hanapin na ako ni Mama. Uwi na tayo total tatlong oras na rin tayo dito sa burol.” Nakangiti ng baling ng dalagita sa batang katipan.

“Kiss muna” at pinikit pa ni rommel ang mata at pinahaba ang nguso sa kasama.

“Ungas! Bawal yan diba…diba nagpromise ka na wala munang kiss at yakap!” Maktol naman ni Jen.

“Sus daya mo naman isang kiss lang…sa pisngi naman eh di naman sa labi…” pangingulit pa rin ni Rommel .

Napaisip si Jen alam niya kung gaano kakulit si rommel, kaya nga nasagot nya ang kababata dahil kinulong siya nito sa classroom nila at di pinalabas hanggang di niya ito sinagot noong nakaraang araw.

“Sige na nga, kulit mo naman .” at inilahad na niya ang pisngi sa nobyo.

“Muah…” Halik ni Rommel sa pisngi ni Jen sabay yakap sa bewang nito. “I love you Jenny” bulong pa nito sa pisngi ni Jen.

“Oo na sige na abuso ka na ha. Sabi mo kiss lang yumakap ka pa! Tara na baka hinahanap ka na rin sa inyo” at kumalas na siya sa pagkakayakap ni Rommel. Tinungo nya ang bisekleta nya na nakahiga sa damuhan at itinayo ito, ng akma na siyang sasakay sa bisekleta niya ay biglang nagsalita si Rommel na nakasakay na rin pala sa bisekleta nito.

“Wag ka na magbibisekleta ha, di maganda sa babae tingnan ang nagbibisikleta, iaangkas na lang kita sa likod ng bike ko pag pasok natin sa school at pag-uwi isa pa sabi nila nakakasira daw ng virginity ng babae ang pagba-bike”

“Ashus!kaw naman….nagpapaniwala ka sa ganun…okay,okay di na po ako magba-bike mula bukas. “ Nakangiting baling ni Jen kay Rommel. At nagsimula na silang bumaba ng burol pauwi sa mga bahay nila.

To read this story, go to http://tagalogonlinepocketbook.com/read/feature/stories-legacy/hanggang-kailan

About vennisjean

A twentysomething girl (or lady ba yun?!) na Laking Mindanao, magulo mag-isip,mainitin ang ulo pag may mga asungot,madaling mainlab,madaling maasar at mapikon sa mga walang kwentang tao.Pag nababato ay internet ang tinatambayan,o di kaya magluluto at mag-eexpermento ng kahit anong panlamang-tiyan.Mahilig sa kulay blue(pero hindi sa Blue's Clues!),kay Naruto,kumain,magbabad sa kwarto habang nakikinig ng senting kanta(wag lang si April Boy!plis lang!) at manghalukay ng blogs....mababaw ang kaligayahan,malalim kung magalit...inlab..... sa Strawberry frostblend!

Talakayan

27 thoughts on “Kabanata 1: Hanggang Kailan

  1. Maganda ang story kaso bitin di ko mabasa ang iba.

    Posted by Ylarich Arenio | Hulyo 23, 2014, 8:24 hapon
  2. Maganda ang story

    Posted by Ylarich Arenio | Hulyo 23, 2014, 8:11 hapon
  3. Can’t wait to finish this story!!!

    Posted by crystal atienza | Hunyo 16, 2014, 12:53 hapon
  4. Nice story kaya lng till now d ko p nbabasa ibang chapter

    Posted by crystal atienza | Hunyo 13, 2014, 12:41 hapon
  5. Nice story!!! Hope I can read the kabanata 2 ! Always don’t have enough gils…

    Posted by crystal atienza | Hunyo 7, 2014, 5:31 hapon
  6. maganda gzto ko taposib

    Posted by dolor | Mayo 22, 2014, 10:43 umaga
  7. bat hndi aq mka log in?paano ph vah mka psok?

    Posted by lyka | Setyembre 27, 2013, 4:58 umaga
  8. ha??pano?

    Posted by amar | Hulyo 6, 2013, 11:00 hapon
  9. bat di ako makabasa!!?

    Posted by amar | Hulyo 6, 2013, 10:45 hapon
  10. char., lamang pa sila sa akin huh., ang bata.x pa may nobyo/a nah?

    alasan pa ko da! ako nga 15 ng magkaroon ng shota pero 1 buwan lang naman,., d ko kasi feel eh,., isa pa napilitan lang din ako.,
    jajajaja #share.com

    Posted by zyn | Mayo 19, 2013, 8:55 hapon
  11. ai.ang babata, pa n0byo n agad,bt kilig.prn

    Posted by Khrishna | Agosto 22, 2012, 4:43 hapon
  12. graveh…. 12 pa lang may nobyo na…… hanep ah…. cguroh maganda to.😀

    Posted by prettii_ren | Abril 14, 2012, 8:46 hapon
  13. parang ang cute ng story na to. .kaso bat wlang teaser? . .heheh

    peru oqei lan😉

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 10, 2012, 9:33 umaga
  14. nyakzz.. masyado pang bata ang 12 pra magka bf ahahaha😛

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 15, 2010, 5:50 hapon
  15. ok ah… Naalala ko ung endless love dahil dun sa bike haha…

    Nice chapter author😀

    Posted by yuumie | Nobyembre 16, 2010, 11:37 umaga
  16. aww naalala ko na namn nung bata pa ako..
    ganyan na gnyan din

    Posted by Jerrica | Agosto 25, 2010, 11:56 umaga
  17. wow.. aus to ah..
    ehem ehem.. naalala ko tuloy bigla ung elementary days ko..

    wla lng nakakamiss bgla..

    kya lng sna naman gnawa mong teenager ung edad nung dlawa pra mas kakilig di bha???!!!

    Posted by YeKiel | Pebrero 21, 2009, 1:19 hapon
  18. oh my god..ang babata pa nila pero sweet na..hahaha..nung 12 ako wala pa ako bf..hehe..baka palo abutin ko sa mama ko…

    Posted by babyrock | Pebrero 18, 2009, 9:09 umaga
  19. hala ang cute ni lang dalawa at sweet pa ha

    Posted by razy_love | Nobyembre 9, 2008, 12:33 hapon
  20. haha ang kulet. ang cute😀

    Posted by krissy | Setyembre 24, 2008, 2:32 hapon
  21. wow soo sweet naman naalala ko tuloy nung nasa pinas me…awww

    Posted by angel | Setyembre 9, 2008, 3:43 hapon
  22. thanks for droppin by and reading eli….

    Posted by vennisjean | Hunyo 17, 2008, 11:03 hapon
  23. wow..ang ganda nman ng mga kwento dito.

    Posted by eli | Hunyo 13, 2008, 4:03 umaga
  24. wahaha..how sweet amn nla..so innocent..hahaha

    Posted by arlene | Mayo 19, 2008, 11:24 umaga
  25. ako gusto kong maging pintor! kaya lang, naging tech related ako kaya yun. poof! gone! nawala! ang aking pintor na pangarap. ahehe

    Posted by foobarph | Marso 18, 2008, 6:49 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Marso 2008
M T W T F S S
    Apr »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: