binabasa mo ang...
Kahit Kapirasong Langit

Kahit Kapirasong Langit (2).

Dumating ako sampung minuto bago ang takdang oras ngunit wala pa rin si Mariel. Kalahating oras ang lumipas, wala pa rin siya. Pinagmasdan ko ang langit at nabatid na malapit nang bumuhos ang ulan. Maya-maya’y unti-unti na ngang umambon at tuluyan nang bumagsak ang sunud-sunod na patak ng ulang animo’y nagbabadya ng papalapit na unos. Halos ugatan na ako sa kinatatayuan ko. Mabuti na lamang at may tumigil nang jeep sa kabila ng kalsada lulan ang pinakahihintay ko. Wala siyang dalang payong kaya nagmadali siyang sumilong sa tapat ng isang maliit na tindahan. Agad kong tinawag ang pansin niya at pinalapit sa akin.

“Wala akong payong!” sigaw niya.

Binuksan ko ang dala kong payong at tumawid ng kalsada upang pasilungin siya pabalik sa waiting shed. Parang noon.

“Pasensya na natagalan kasi akong magbihis, e,” paliwanag sa akin ni Mariel bago pa man ako manisi.

“Natagalang magbihis? Nagpapasama lang naman ako sa’yo? Tapos ikaw pa may ganang magpa-late!”

“Siyempre dapat presentable ako para hindi naman ako magmukhang tanga, ‘no?”

“Halika na nga,” yaya ko. “Grabe ka, ha! Pinaghintay mo ‘ko. In ten minutes’ time baka magsimula na ‘yon. Patay ka talaga sa’kin.”

“Bakit ba, ano ba kasi meron sa liga na ‘yan?”

“Wala lang.”

Mabilis na tumila ang ulan. Hindi natuloy ang sigwang inasahan ko. Nagtungo kami sa basketball court kung saan mayroong liga kung saan naroon si Brixx. Napaisip ako sa tinanong na iyon ni Mariel. Ano nga ba ang mayroon sa liga na iyon? Walang iba kundi si Brixx. Siya lamang naman talaga ang pinapakay ko sa mga liga. Hindi ko sinabi kay Mariel ang sikreto ko. Baka kasi pagtawanan niya lang ako kapag nalaman niyang may gusto ako kay Brixx kaya hanggang sa puntong iyon ay misteryo pa rin sa kanya kung bakit hindi ako mapakali kapag nakaaalam ako ng balita tungkol sa mga liga.

Ayun nga’t masaya akong nanood ng laro. Masaya dahil nasisilayan ko na naman si Brixx. Masaya dahil magaan sa pakiramdam na makita ang pagngiti niya. Nang magkaroon ng time-out ay nag-alok si Mariel na bumili ng pagkain sa labas. Tumanggi akong sumama kaya’t siya mag-isa ang umalis saglit. Nang ibalik ko kay Brixx ang tingin ko, bigla niya kong pinagmasdan. Nagulat ako. Maya-maya’y nakatingin ulit siya sa akin habang umiinom ng tubig. Binaliwala ko lang iyon ngunit sa loob-loob ko ay lubos akong nagtaka.

Nang makabalik si Mariel ay niyaya ko na siyang umuwi. Idinahilan kong masakit na ang ulo ko subalit ang totoo’y hindi na talaga ako mapalagay noong gabing iyon.

Talakayan

8 thoughts on “Kahit Kapirasong Langit (2).

  1. Ay sana mabasa ko na lahat

    Posted by Jayrose Alcon | Nobyembre 23, 2015, 5:43 umaga
  2. Naiimagibe ko yung scene,,hehe

    Posted by morena | Setyembre 30, 2014, 11:20 umaga
  3. Uie kinikilig.

    Posted by eli | Nobyembre 2, 2013, 5:57 umaga
  4. Anong love? Fiction yan junice.

    Posted by pundido | Mayo 5, 2008, 8:40 umaga
  5. LOvE Mo vAh c MaRiEL??
    SuPPer pAuRoNg??

    Posted by juniCe | Abril 27, 2008, 2:10 hapon
  6. aw. ayoko namang bitiwan. siguro, shelved lang muna yun.
    salamat.

    foo: oki oki na nga. ^^

    Posted by SuperPAURONG | Marso 18, 2008, 7:15 umaga
  7. hmm… ok na ok to pre!

    pero tampo pa rin ako sayo kasi binitawan mo si fidel, third at sonya(?), aka infidelidad.

    hmpf. sa mga dear readers, kulitin nyo si paurong na mag produce ng maraming stories. hehe.

    of to the third chapterrrrrrrrrrr

    Posted by foobarph | Marso 18, 2008, 2:13 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Marso 2008
M T W T F S S
    Apr »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: