binabasa mo ang...
Kahit Kapirasong Langit

Kahit Kapirasong Langit (1).

Sa tuwing may pagkakataon, gumagawi ako sa gymnasium para lang makita si Brixx. Isa siya sa mga hinahangaang manlalaro ng basketball sa paaralan namin. Sa tuwing nakikita ko siyang nag-eensayo kasama ng mga kagrupo niya, napatutunay ko sa sarili kong mahusay talaga siya. Sino ba namang babae sa campus ang hindi nakakikilala sa kanya o kung hindi man ay namumukhaan man lamang siya? Maski nga yata ang mga bata pang mga guro ay nahuhumaling din sa kanya. Hindi na iyon kataka-taka. Matangkad siya, may kaakit-akit na tindig, may mapupungay na mga mata, may tila malalambot na mga pisngi at may mapupulang mga labi. Malaking bagay din ang ngiti niyang nakalulusaw.

Noong unang beses na nakita ko siya, hindi ako tinamaan. Noong lumaon ko na lamang natuklasan sa sarili ko ang pagkagusto ko sa binata. Nagpaigting pa sa emosyon kong iyon ang nangyari noong una ko siyang natitigan ng matagalan. Dumaraan ako noon malapit sa gilid ng court nang tumalbog sa nilalakaran ko ang bola at siya ang tumakbo papalapit sa akin upang makuha iyon. Aywan ko nga ba kung bakit kailangan niya pa akong tingnan ng ganoon, na para bang may kasalanan ako sa kanya.

Mabuti na ring nakita ko siya noong araw na iyon. Mabuting naalaala ko ang gaganaping liga pagsapit ng gabi kinabukasan. Kaya nga pagkabalik ko sa aming silid-aralan ay nasabik akong ibalita iyon sa matalik kong kaibigang si Mariel.

Nagulat ako ng nagmamadali niya akong nilapit upang ipaalam na nawawalan siya ng isang mahalagang bagay.

“Ano ba ‘yung nawawala? Baka naman nasa bag mo lang.”

“‘Yung diary ko kasi. Hinalukay ko na’t lahat ang bag ko. Wala do’n.”

“Saan natin hahanapin ‘yon?”

“Hindi ko alam.”

Maliliit pa lamang kami ni Mariel, magkaibigan na kami. Lumaki kaming magkalapit ang mga bahay namin. Nakatutuwang isipin na may pinagsamahan din ang aming mga magulang. Iyon nga lamang, hindi na ngayon katulad ng dati na magkakasama ang mga pamilya namin sa mga okasyon, mga pagdiriwang at mga salu-salo. Wala rin akong malay kung bakit nagkaroon ng puwang sa pagitan ng mga pamilya namin. Ang maganda lamang talaga ay ang nanatiling samahan namin ni Mariel. Lubos kong ipinagmamalaki iyon.

“Mahahanap din natin ang diary mo, Mariel,” buo ang loob kong sinabi. “Malay mo naman, may nakakitang security guard. Ang mabuti pa niyan e puntahan na lang natin ‘yung Students Affair Office. Malay mo, diba?”

“Umasa ka pa sa Lost and Found system nila e bulok naman ‘yon,” may maasim na mukha niyang winika. “Ni wala nga yata silang nari-recover na mga lost items, eh! Paano pa kaya ‘yung diary ko?”

“Ba’t ka naman ganyan magsalita?”

“Alam mo, best friend, kahit kelan naman e bulok na ang pamumuno dito sa school natin. Hindi ka na ba nasanay? Apat na taon na tayo dito.”

“Oo nga, at apat na taon na ring puno ng reklamo ang bibig mo!”

“Huwag mo naman akong sisihin! Ikaw din naman ang may kasalanan kung bakit nawala ‘yun! Kung hindi ka sana nagmamadaling pumunta sa gym e di sana hindi mo ‘ko iniwan, e di sana hindi ko naiwanan kung sa’n-sa’n. Bakit ba kasi palagi ka na lang nando’n?”

“Nabalitaan ko, may liga bukas. 6:00 pm. Ano, sama ka?”

Napakamot ng ulo si Mariel. “Liga na naman?”

Napatungo ako kasama ang ngiting mapang-udyok.

“5:00 sa waiting shed sa labas bukas, ha?”

Hindi kaagad nakaimik si Mariel.

“Pero ‘yung diary ko. Feeling ko natapon na ‘yon sa basurahan.”

“Pwede ka pa namang magsulat sa panibago, diba? Kung nasa basurahan na nga iyon e wala ka nang magagawa. Tanggapin mo na lang.”

“Friend, hindi gano’n kasimple ‘yon.”

“O, siya! Bukas, ha?”

“Ano pa nga bang magagawa ko?”

“Aasahan kita.”

Talakayan

13 thoughts on “Kahit Kapirasong Langit (1).

  1. Ang gulo ng istorya ndi qo naintindihan ano ng nangyari sa mga characters ng kwento

    Posted by Carol | Enero 31, 2015, 5:47 hapon
  2. Diary ni mariel yung nawawala di ba…

    Posted by morena | Setyembre 30, 2014, 11:14 umaga
  3. ang labo ng story pero mabasa n dn

    Posted by luvlyangel | Disyembre 13, 2013, 11:48 umaga
  4. Wow! Ang lalim ng teaser sh. . .

    Posted by eli | Nobyembre 2, 2013, 5:53 umaga
  5. kakaiba ang teaser d agad maintindihan kasi parang masyadong malalim

    Posted by jjhuls | Nobyembre 21, 2012, 8:38 umaga
  6. umpisa pa lang ang hirap ng intindihin ng kwento…hahay

    Posted by poohpooh23 | Agosto 29, 2012, 11:40 hapon
  7. wlang teaser pero carry yan para exciting….😀

    Posted by prettii_ren | Abril 18, 2012, 5:50 hapon
  8. mukang exiting. .
    Uhm. .kaso parang may mga mali pu? . .

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 29, 2012, 5:38 hapon
  9. cnu ba ung bida dito??? ung nagnanarrate or c mariel? aw..heheh

    Posted by jeh089 | Disyembre 24, 2010, 2:02 hapon
  10. ok maraming salamat sa lahat.

    Posted by Paurong | Nobyembre 29, 2008, 1:38 hapon
  11. may ilan po akong puna sa gramatika, bagamat po ay hindi ako isang dalubhasa sa gramatika ay nais ko lamang magbigay ng komento.

    una po sa pangungusap na ito “Sa tuwing nakikita ko siyang nag-eensayo kasama ng mga kagrupo niya, napatutunay ko sa sarili kong mahusay talaga siya.” Maaring ganito na lang po” kapag nakikita ko siyang nag-eensayo kasama ng kaniyang mga ka-grupo ay napapatunayan ko sa aking sarili na mahusay siyang talaga.

    Pangalawa “Noong unang beses na nakita ko siya, hindi ako tinamaan. Noong lumaon ko na lamang natuklasan sa sarili ko ang pagkagusto ko sa binata”maaring ganito na lang po rin. “Noong unang beses ko siyang nakita hindi ako tinaman. Subalit nang lumaon ay bigla kong natuklasan sa aking sarili na mayroon akong natatagong damdamin sa kaniya.” siguro maaring hindi mo banggitin ang binata dahil gumamit ka na ng persona sa una mong pangungusap at ang pinatutukuyan ay ang binata na nga.

    ” Nagpaigting pa sa emosyon kong iyon ang nangyari noong una ko siyang natitigan ng matagalan. Dumaraan ako noon malapit sa gilid ng court nang tumalbog sa nilalakaran ko ang bola at siya ang tumakbo papalapit sa akin upang makuha iyon. Aywan ko nga ba kung bakit kailangan niya pa akong tingnan ng ganoon, na para bang may kasalanan ako sa kanya.” maari po na lang rin na ganito ” Lalo pang umigting ang emosyon kong iyon noong una ko siyang natitigan ng matagalan. Naganap(Nangyari)iyon habang ako’y naglalakad malapit sa court.Dahil tumalbog at huminto sa aking harapan ang bola. At siya ay tumakbong papalapit sa akin upang kuhanin iyon. Aywan ko nga ba kung bakit kailangan nya pa akong titigan ng ganoon.Na wari ay hinihimay-himay ang bawat bahagi ng aking buong katawan.
    (yung nilagay mo kasi sa huli na para bang may kasalan ako sa kanya ay parang nasingit lang}. o maari rin po siguro na pahiwatig mo na iyon na si brixx yung nakakuha ng diary ni mariel at may nabasa siya tungkol sa nagsasalaysay.( bakit nga pala walang pong pangalan nung nagsasalaysay.) (hindi ko pa po kasi nababasa ang part 2 neto ayoko munang laktawan nang sa ganoon ay hindi mawala ang suspense sa akin.)

    “Nagulat ako ng nagmamadali niya akong nilapit upang ipaalam na nawawalan siya ng isang mahalagang bagay.”nagulat ako dahil nagmamadali niya akong nilapitan upang ipaalam na nawawalan siya ng mahalagan bagay.”

    “Hindi ko alam.”

    Maliliit pa lamang kami ni Mariel, magkaibigan na kami. Lumaki kaming magkalapit ang mga bahay namin. Nakatutuwang isipin na may pinagsamahan din ang aming mga magulang. Iyon nga lamang, hindi na ngayon katulad ng dati na magkakasama ang mga pamilya namin sa mga okasyon, mga pagdiriwang at mga salu-salo. Wala rin akong malay kung bakit nagkaroon ng puwang sa pagitan ng mga pamilya namin. Ang maganda lamang talaga ay ang nanatiling samahan namin ni Mariel. Lubos kong ipinagmamalaki iyon.

    bakit parang biglang pong nagpatumbalik o flashback o biglang gumawi sa ibang direksyon. tapos po biglang bumalik sa dati. hindi po ba maaring gamitan ng italics ang pahayag na iyon. nang sa ganoon ay hindi malito ang mambabasa sa pangyayari. dahil bigla po akong nalito sa tagpong iyon. akala ko po ay karugtong pa rin iyon ng “hindi ko alam” Subalit napagtanto ko na lang na nag-kwento ka po muna ng pinagsamahan ng nagsasalaysay at ni mariel.

    ito lang po ang aking komento. babasahin ko na lang po yung mga karugtong ng inyong katha sa susunod.

    foo: salamat po sa iyong puna. sana paki puna na rin ang Walang Paglagyan na kwento para naman makakuha ako ng advice sa iyo para mapaganda ko yung mga susunod naming kwento.🙂

    Posted by Mahikangribon | Nobyembre 17, 2008, 1:57 hapon
  12. yeah cguro nga… aaayyyeee….😀

    Posted by michelle | Hulyo 23, 2008, 11:19 umaga
  13. sino kaya nakapulot ng diary? ahehe… siguro si brixx, lolz!

    Posted by foobarph | Marso 18, 2008, 2:07 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Marso 2008
M T W T F S S
    Apr »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: