aming nakaraan

Archive for

Kahit Kapirasong Langit (10).

Kailan Nasusukat ang Haba ng Gabi? Ginising ako mula sa isang mahimbing na pagkakatulog, na para bang napakabago sa akin, ng malakas na katok ng kuya ko sa pintong papasok sa aking kuwarto. “Donna!” Napakalakas ng boses ni Melvin. Paano pa kaya kung nakatapat na mismo ang bibig niya sa tainga ko habang tinatawag ang … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (9).

Laking pasasalamat ang maibibigay ko sa oras dahil sa kaaya-aya nitong pagpapaunlak sa mithiin kong makalimot sa pamamagitan ng mabilis nitong pag-usad. Kung palaging magiging ganito, hindi na magiging mahirap para sa akin ang bumitiw sa paninisi sa sarili ko. Pero kung paglimot ang pag-uusapan, ibang bagay na iyon. Hindi ko kailanman makalilimutan ang lahat … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (8).

Ding dong. Ding dong. “Tao po. Tao po. Magandang umaga po, Manang. Nandyan pa po ba sina—” “Umalis na ang mga magulang ni Mariel. Hindi na sila dito.” “Po?” “Oo. Hindi mo ba alam, ipagbibili na ang bahay na ‘to.” “Ha? Gano’n po ba?” “Gano’n na nga. Suma total, kailangan ko nang maghanap ng bagong … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (7).

Hanggang ngayon, naniniwala pa rin akong isang magandang pook ang mundo ng panaginip. Doon marami kang makikita, marami kang puwedeng gawin, makilala, malaman… Kung maaari ko lang tirhan ang mundong iyon sa mahabang panahon, doon na lang sana ako kung saan nagkakaroon ng katuparan ang kahit anong gustuhin ko. Sa ganoong klase ng lugar, may … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (6).

Hindi na ako ang dating Donna. Sumama na sa kamatayan ng pinakamatalik kong kaibigan ang Donnang masayahin, palatawa, palangiti. Wala na ang Donnang iyon. Ang naiwan ay ang babaeng hindi palaimik, palaging tahimik at kadalasang wala sa sarili. Hindi ko maubos-maisip na ganito ang magiging epekto ng lahat. Masakit pa rin. Kahit na ano ang … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (5).

Pumasok ako sa silid niya nang hindi kumakatok. Ayaw niyang hindi kumakatok kapag papasok sa kuwarto niya, pero ngayong wala na, ano pa ang magagawa ng pagkatok kung ipapaalaala lang nito ang kaibigan ko? Walang ni isa mang bagay ang nagalaw sa loob ng kuwarto niya. Bagyong dumaan na hindi nag-iwan ng ni isang bakas … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (4).

Lumipas ang mga araw at nagtapos din ang Graduation Day namin na hindi ko masyadong ikinagalak dahil noong araw na iyon mismo ko nalaman na sina Brixx at Mariel na. Mabilis pa sa apoy ang naging pagkalat ng balita. Nalaman ng lahat sa campus ang matagal nang itinatagong relasyon ng dalawa. Isang Sabado, nang magtungo … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (3).

Kinabukasan, sa eskuwelahan, nagulat na lang ako nang bigla akong yakapin ni Mariel sabay ang sigaw ng “nahanap ko na, nahanap ko na!” samantalang malabo pa rin sa akin kung paano niya nakita ang diary niya. “Ang ganda na ng binabasa ko…” reklamo ko kasunod ang pagbitiw muna sa librong hawak ko. “Gan’to kasi. Merong … Magpatuloy sa pagbasa

Kabanata 1: Hanggang Kailan

“GUSTO kong maging doctor…..” sambit ni Jen habang nakahiga sa damuhan at nakatingala sa mga dahon ng mangga na lumililim sa kanila. “Okay lang yan, alam ko naman kaya nila Auntie na pag-aralin ka, isa pa di malayong magiging iskolar ka, ang talino mo kasi…” sagot ni Rommel habang nakatitig sa mukha ng kausap. “Hay…. … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (2).

Dumating ako sampung minuto bago ang takdang oras ngunit wala pa rin si Mariel. Kalahating oras ang lumipas, wala pa rin siya. Pinagmasdan ko ang langit at nabatid na malapit nang bumuhos ang ulan. Maya-maya’y unti-unti na ngang umambon at tuluyan nang bumagsak ang sunud-sunod na patak ng ulang animo’y nagbabadya ng papalapit na unos. … Magpatuloy sa pagbasa

Kahit Kapirasong Langit (1).

Sa tuwing may pagkakataon, gumagawi ako sa gymnasium para lang makita si Brixx. Isa siya sa mga hinahangaang manlalaro ng basketball sa paaralan namin. Sa tuwing nakikita ko siyang nag-eensayo kasama ng mga kagrupo niya, napatutunay ko sa sarili kong mahusay talaga siya. Sino ba namang babae sa campus ang hindi nakakikilala sa kanya o … Magpatuloy sa pagbasa

Chapter 1: Breaking Silence

“Mabuhay ang bagong kasal!” sabay-sabay na bati at hagis ng mga confetti ng mga bisitang dumalo sa kasal nina Parc Marceau at Junifer Bautista habang papasok ang mga ito sa hall sa pagdarausan ng reception. Nasa mukha ni Junifer ang kasiyahan at pagmamahal sa asawa. Gayundin si Parc ngunit may bahid ng takot at pag-aalala … Magpatuloy sa pagbasa

TOP Calendar

Marso 2008
L T M H B S L
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Mga Istorya

Aming Nakaraan