Si Mundo ay isang topnotch detective at lahat ng hawak niyang kaso ay natatapos niya ng walang palya at aberya. Ngunit may isang kaso na biglang dumating sa kaniya na kailangan niyang lutasin. Isang kaso na kung hindi niya malulutas ay maaaring sumingil sa kaniyang buhay at pangarap. Ang kaso— Umibig siya sa babae na … Continue reading
Para sa mga dati ng miyembro, malamang pamilyar kayo sa salitang “gils”, “no right click”, “no text selection”, “last chapter password protect”, “love problem”, “top cards”, etc. Ilan lamang yan sa mga pinangunahan ng TOP nitong nagdaan na panahon ngunit sa pag-usad nito, dumami rin ang mga taong nakihalubilo sa amin. May mabuti, may masama. … Continue reading
Walang halaw dahil ito protektadong paskil ito.
SIMULA pagkabata ay crush na ni Grace si Blake. Araw-araw silang magkasama, mula pagpasok hanggang sa pag-uwi galing sa eskwela. Ngunit nagbago iyon ng… “Blake! Karera naman tayo! Kung sino unang makakarating sa dulo ng daan na to, siya ang panalo!” alok niya dito. Patuloy naman ito sa pagpupunas ng bisikleta. Katatapos lang kasi nilang … Continue reading
Read If I Didn’t Love You – START by Calla first EXCITED si Johnny dahil natuloy ang date niya kay Naomi! Naglakas loob siyang mag-text dito kahit alam niyang fifty-fifty ang chance na papayag ito. Inihanda na rin niya ang sarili upang tanggihan siya nito ngunit hindi sa halip na “I’m not available” ang isagot … Continue reading
KAHIT naka-aircon ay ramdam pa rin ng buong klase niya ang init sa labas ng kanilang classroom. Paano ba naman kasi, summer na at malapit na bakasyon kaya ganito ang uri ng panahon na kanilang nararanasan. “Ang init Penny!” reklamo ni Elpis habang nagpapaypay gamit ang bond paper na drinowingan niya kanina. Inamoy naman ni … Continue reading
ILANG minuto mula ngayon, matatapos na ang aking buhay. Pinaghahanap nila ako. Ang sabi nila, isa akong salot na dapat mawala sa daigdig. Ang iba nama’y kaya ko raw silang iligtas. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kailangan ko ng— Hindi ko pa natatapos ang tina-type ko sa aking computer … Continue reading
SA pagsisimula ng araw niya ay ngayon niya lang napansin na ito ang pinakamagandang umaga na nakita niya. Paano ba naman kasi, katatapos lang ng malakas na unos kagabi at ngayon ay damang-dama niya ang malamig na simoy ng hangin. Mas lalo pa itong pinakaganda ng mga huni ng ibon na tila inaawitan siya habang … Continue reading
MAAYOS namang natapos ang klase niya ngayon. Nagtataka siya kung bakit ‘behave’ ang kaniyang mga estudyante, lalo na ang grupo nila Chloe na alam niyang ayaw ng mga ito sa kaniya. Hindi na niya pinansin iyon at mabilis siyang lumabas ng classroom. Iniiwasan kasi niyang mapagdiskitahan siya ng grupo ni Chloe– mabuti na rin ang … Continue reading
SA ikalawang araw ng pagtuturo niya ay hindi muna siya dumeretso sa classroom ng klase niya. Pumunta muna siya sa faculty room kung saan naruon ang ibang mga guro upang maghanda sa kanilang klase. Inaamin niyang nahihirapan siya sa mga estudyante niya ngayon, lalo na si Chloe na tila isang malaking kontrabida sa pagiging guro … Continue reading
UNANG araw niya sa pagtuturo ngayon. Bago pumasok ay sinigurado niya muna na magiging kaaya-aya siyang tingnan. Masaya siya dahil ito ang araw na magkakaruon ng katuparan ang kaniyang pangarap—ang maging isang ganap na guro! Pagkapasok pa lang niya sa eskwelahan ay agad na niyang nakita ang malawak nitong balkonahe. Maituturing na kahanay ng Rominian … Continue reading
Maaga niyang narating ang Rominian University para sa kaniyang final interview. Ang eskwelahang ito ay tumatanggap ng mga lokal at banyagang estudyante kung kaya’t maituturing ito na isang exclusive school. Nakapag-demo na siya nang una siyang dumating dito at nagustuhan naman ang mga kapwa niya guro sa kaniyang ginawa. Ngayon ay hinihintay na lamang niya … Continue reading
Simula pagkabata ay nais na ni Flik na maging isang guro. Maayos na sana ang lahat ngunit may isa siyang problema. Ang problema— puro problema at sama ng loob ang binibigay sa kaniya ng mga estudyante!. May pag-asa pa kaya siyang maging isang magaling na guro?
Ipinagkasundo si Jaki ng kaniyang ama kay Jad, anak ng business partner nito sa negosyo. At upang makatakas sa responsibilidad na hindi naman niya gusto, naglayas siya ng bahay upang maiparamdam sa ama nito ang kaniyang pagtanggi. Ngunit sa kaniyang pag-alis, may nakilala siyang lalake na hindi niya inaasahan na lubusan din niyang iibigin. Worst, … Continue reading
“Alexandra or Tessa, it doesn’t matter. Bakit ba kasi ang suplado mo? Hindi mo ba ako maaaring mahalin dahil kapatid lang ang turing mo sa akin? Ang problema kasi sayo, masyado kang maramot. Ang gusto ko lang naman, mahalin ka, di naman ako hihingi ng kapalit eh. Pero maramot ka… maramot!” bungad ni Tessa sa … Continue reading
“Kristen, Yesha, ano ba ang naisip nyo at dinala ninyo ako sa lugar na ito? Masyadong namang classy ang restaurant na ito. Baka mamaya ako pa ang magbayad ng kakainin natin, ma-ya-yare kayo sa akin!” pagmamaktol ni Foo habang inip na inip sa kahihintay sa misteryosang Alexandra na ipapakilala diumano nila Kristen at Yesha sa … Continue reading
Halos nawala ang antok ni Foo dahil sa mensaheng natanggap niya sa kaniyang cellphone. Inisip niya kung sino ang nagbigay ng kaniyang numero at dalawang suspek lang ang bigla niyang naisip! Si Kristen na sobrang makulet sa YM at si Yesha ang diwatang ka-tandem ni Kristen sa kalokohan! Siguradong may pinaplano ang dalawang bruhang ito … Continue reading
NAGULAT si Foo nang makita niya si Tessa kaniyang harapan. Halos magkadikit na ang kanilang mga mukha sa isa’t isa. Nataranta siya. Hindi niya alam ang kaniyang sasabihin o gagawin. Napalunok siya ng malaki. Nawawala na talaga siya sa kaniyang sarili! “May sasabihin ka ba? Tumawag ka kasi sa cellphone ko.” ani Tessa sabay irap … Continue reading
SUMAPIT ang alas-sais ng gabi at natapos din ang kanilang trabaho. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid at napansing isa-isa na ring nag-uuwian ang kaniyang mga kasamahan sa trabaho. Agad din niyang napansin si Tessa na nagmamadali rin sa kaniyang pag-uwi. Sinubukan niyang tawagin ito pero inisnab siya nito. Nang lumabas ito ay hinabol … Continue reading
Pagkatapos basahin ni Foo ang istoryang isinulat ni Tessa sa TOP ay kaagad niyang pinuntahan si Tessa sa kaniyang cubicle. Niyaya niya itong kumain ng tanghalian ngunit tumanggi ito. Nagmumukmok pa rin ito dahil sa ginawang pagtanggi ni Foo sa kanilang relasyon—- kung sila nga ba talaga. Wala namang nagawa si Foo kung hindi ang … Continue reading