NAKATAYO sa likuran ni Brice si Lamond at may hawak itong baril. Ito ang bumaril sa lalakeng nagtangka sa buhay ni Ballerina, ang leader ng C5G na pinagplanuhan din niyang patayin. “Lamond! Anong ibig sabihin nito?” agad niyang tanong dito pagkatapos nitong dis-armahan si Brice na kasalukuyang may tama sa braso nito. Binigyan muna ng … Continue reading
“Kuya Will, masungit ba talaga ako?” Tanong niya sa kuya ng barkada. Ito ang nagsisilbing adviser ng grupo. 19 years old na ito pero nasa high school pa rin dahil sa pagloloko nito sa pag-aaral. Nasa canteen sila at kasalukuyang nagla-lunch nang maisip niyang itanong ulit iyon. Hindi kasi titigil ang barkada niya hangga’t may … Continue reading
Hawak ni Sylvia ang simbulo ng kompanya. Isang rug bear. Ibinigay iyon sa kaniya ng kanyang papa nung maliit pa siya. Nagsilbing lucky charm niya habang lumalaki siya. Nahiling niya noon sa rug bear na sana ay bata na lamang siya at laging kasama ang kanyang papa. Inilagay niya sa ibabaw ng drawer ang hawak … Continue reading
Isang mabangong amoy ng paboritong pagkain ni Arthur ang nagpagising sa kanya. Napangiti siya. Siguro ay nagluluto ang mahal niyang si Junifer. Nakikita niya ang imahe ni Junifer na nakayuko sa kanya at may masuyong ngiti. Alam niyang sa pagbangon niya ay isang mainit na halik ang isasalubong nito sa kanya. Ngunit nawala ang ngiti … Continue reading
Nakaukit na sa isipan niya ang mga pangyayari. Hindi na niya kailanman iyon malilimot. Humigpit ang hawak niya sa manibela. Hindi niya mapapayagan na makatakas sa kanya ang pumatay sa kapatid niya. Nilingon ang diary ng kapatid na nasa front seat. Ibinigay ito sa kanya ng banko ng kapatid makaraang ilibing ito. Isang confidential ang … Continue reading
Agad pinaharurot ni Lamond paalis sa sementeryo ang kotse niya. Nagpupuyos siya sa sobrang galit. Ang binuo niyang plano ay nasira nang hindi niya napatay ang Ballerina’ng ‘yon! “Damn!” Lalo pa niyang binilisan ang pagmamaneho. Wala siyang pakialam kung over speeding na siya. Ang importante ay mailabas niya ang galit at magbalik sa katinuan ang … Continue reading
Isang coffee shop ang pinasok ni Arthur. Agad na hinanap ang researcher ng C5G. Natagpuan niya ito sa pinakasulok ng shop. Tila hindi mapakali. Nang mag-angat ito ng paningin at makita siya ay agad itong nakahinga ng maluwag. Napasandal ito sa upuan. Nilapitan niya ito. “Anong nangyari? Bakit kailangan ipapatay si Ballerina?” “Ako ang sagutin … Continue reading
May pagmamadali sa mga kilos ni Sylvia ng tunguhin niya ang entradang pintuan ng kompanyang pag-aari ng kanyang papa. Hindi na niya pinansin ang mga bumating empleyado sa kanya. Dali-dali niyang tinungo ang elevator at pinindot ang up button. Agad siyang pumasok sa loob ng bumukas iyon. Pinindot niya ang papuntang eight floor. Napasandal siya … Continue reading
Nagpasalamat muna si Arthur sa matandang sekretarya bago tumuloy sa loob ng opisina matapos marinig na pinapapasok siya ng pakay niya sa loob. Agad na sumilay ang ngiti sa mga labi ng matabang lalaking nakaupo sa swivel chair. Naiiling si Arthur. Sa tuwing pupunta siya sa opisina nito, hindi niya man lang ito nakitang tumayo … Continue reading
Tumango si Arthur bago lumabas ang dalawa sa hall. Naramdaman nila ang lamig ng klima ng France. Huminga ng malalim si Arthur. Nagpipigil na huwag maglabas ng kahit na anong emosyon sa kaharap. Halos magwala si Parc sa tindi ng galit na nararamdaman. “Hindi pwede mangyari ito, A. Hindi ko mapapayagan!” namumula ang mukha ni … Continue reading
“Mabuhay ang bagong kasal!” sabay-sabay na bati at hagis ng mga confetti ng mga bisitang dumalo sa kasal nina Parc Marceau at Junifer Bautista habang papasok ang mga ito sa hall sa pagdarausan ng reception. Nasa mukha ni Junifer ang kasiyahan at pagmamahal sa asawa. Gayundin si Parc ngunit may bahid ng takot at pag-aalala … Continue reading