
Coffee Hearts Series: Brewed Love
NANG imulat niya ang mga mata’y nasa isang hindi pamilyar na lugar siya. Inilibot niya ang tingin sa paligid, from floor to ceiling ay puti ang kwarto. Halos maliyo siya sa kulay na nakikita kasabay ng pagnanais na matawa, if not in this state, iisipin niyang nasa isang bridal suite siya—napaka-pure ng dating ng kwarto.
Ang huli niyang natatandaan ay ang frantic na itsura ng Mama Simone niya habang sapilitan siyang sinasakay ng mga hindi kilalang lalaki sa dala ng mga itong sasakyan. Kung saan siya dinala ng mga ito’y hindi niya alam. Ang alam niya lang ay ang generous ng mga kidnapper niya dahil ang ganda ng kinakalagakan niya, ni hindi siya nakagapos man lang. At isang tao lang ang pinaghihinalaan niyang maaring gumawa ng ganoon. Si Marco.
INIS na sumandal siya sa headboard ng kama. Tapos na niyang libutin ang kabuuan ng silid at ni isang malulusutan ay wala siya nakita. Imposibleng makatakas siya ng hindi dumadaan sa pinto ng silid, ang pagtalon sa bintana ay ruled out na matapos niyang mapagtantong nasa isang mataas na bahagi siya ng isang gusali.
Igik ng binubuksang pinto ang nagpa-angat ng tingin niya, “Walang hiya ka, Ma—“she was ready to cuss at the man she thought is the mastermind of the crime, yet she found herself only staring in shock at Andrew Samuel.
“YOU?” hindi makapaniwalang bulaslas niya. Paanong nangyaring ito ang nagpa-kidnap sa kaniya? Ipinilig niya ang ulo sa pagbabasakaling namamalikmata lamang siya.
“Sorry!”
“What? Anong sorry? Matapos mo akong ipakidnap magsosorry ka, are you nuts? Ay, naku ang mabuti pa iuwi mo na ako bago pa kita kasuhan at tiyak kong worried na si mama sa akin!”
Hindi ito tuminag sa kinatatayuan na lalong nagpalalim sa gitla ng noo niya. “Hey!”
“Eh, hindi ‘yun mag-aalala alam niyang kasama kita…” napakamot ito sa batok, siya’y napanganga rito.
“What do you mean? Na-nag-paalam ka?” tumango ito. Bahaw siyang natawa, “Sa lahat ng kidnapper ikaw ang kakaiba, magpaalam daw ba?”
“Sorry talaga, hindi naman talaga dapat aabot sa ganito e!”
“Anong drama na naman ba ito, Drew?”
“Ayaw mo kasing maniwalang mahal kita, kaya ayan napilitan akong ipakidnap ka with consent,” gustong gusto na niya itong batukan.
“Anong mapapala mo rito? Solusyon ba ito?”
“As long as you’re with me kaya kong patunayan sa iyo ang laman ng puso ko kahit 24/7 pa iyan…”
“Totoo?”
“Oo!”
“Try mo kayang tumalon diyan sa bintana,” asar-talong suhestiyon niya, na sa bandang huli ay agad na binawi ng puso niya. Takot niya lang mawala itong gwapong ito. Matutuluyan na talaga siya noon sa mental.
“Huwag lang iyon, paano ka na kung wala na ako?” napa-ismid siya rito. ‘Oo, alam ko na ‘yun, salamat sa paalala pero nungka ko iyong sasabihin sa iyo. Saka na lang…’
“Gutom ka na ba?”
Isang irap ang sagot niya rito. “Nagluto na ako ng kakainin natin, labas ka lang ng kwarto mo kung gutom ka na.” Ibang klase talaga itong abductor niya.
Napapalatak siya ng mawala ito sa paningin niya. Hindi makapaniwala sa itinatakbo ng mga pangyayari. Pero kahit nagawa nito iyong gawin ay hindi niya magawang magalit dito. Oo, noong mga panahong nakita niya itong kahalikan si Lhyne ay nasaktan siya’t nagalit dito pero matapos niyang makita ang pagsisikap nito ay nawala lahat ng iyon. Kaya ngayon ay wala ng puwang ang galit sa puso niya bagaman naiinis siya rito dahil sa pag-aakalang si Marco ang may pakana ng pagkaka-dukot sa kaniya.
Sa kabilang banda ay gusto niya pa rin itong pahirapan, tignan kung hanggang saan ang itatagal nito para patunayang mahal siya nito. Kaya hindi muna niya sasabihin ditong naniniwala na siya. Gagalingan niya munang umarteng galit-galitan dito.
NALIMPUNGATAN siya dala ng katok sa pinto, hindi niya namalayang nakatulog pala siya. Bumukas iyon at muling bumungad si Drew na may tangang tray ng sari-saring pagkain. Hindi lang basta pagkain kung hindi mga paborito pa niya.
Nalaman niya mula rito na nasa isang apartment sila sa Makati na pagmamay-ari ni Sunshine—ipinahiram ito ng dalaga rito dahil gusto umano ng babae na magkabati sila. At ang mga lalaking dumukot sa kaniya ay mga kasamahan nito noon sa college fraternity. Planado talaga nito ang lahat.
“Hindi ka lumabas kanina for lunch kaya dinalhan na kita. I didn’t know you’ve fallen asleep,” inilapag nito sa tabi niya ang tray. Umusog siya palayo rito, malinaw pa rin sa isip ang planong pahirapan ito.
“Kakaiba talaga itong surprise number three mo, Andrew. Imagine, from moderate to mild to deliriously worst, unexpected!” aniya, pilit na nilalangkapan ng sarkasamo ang tinig.
“Please, let’s not start a fight right now, Rich. I am sure gutom ka na so kumain ka muna bago mo ako giyerahin, ‘kay?”
‘Aw! Ang sweet naman ng mahal kong prinsipe. Kakatuwa, pero magdusa ka muna,’ lihim siyang nagdiriwang sa nakikita mula rito.
“Why don’t you feed me, then?” nakataas ang kilay na hamon niya rito. ‘Hah, baka mamatay na talaga ako sa kilig kapag sinunod niya iyon!’
“Are you sick?”
Napaingos siya, “Eh, ‘di ‘wag mo… pinipilit ka ba?”
Akala niya’y iiwan na siya nito upang kumain mag-isa sa kwarto pero bigla’y nakatapat na sa bibig niya ang kutsara’t pinapanganga siya. “Akala ko ba, ayaw mo?”
“Wala naman akong sinabing ayaw ko, ah. Tinatanong ko lang kung may sakit ka… Oh, nga-nga na!” magpapakipot pa sana subalit dala ng pagsalakay ng isang libong kilig na mula sa palaso ni kupido’y ibinuka na niya ang bibig para mapakain nito.
Nagpatuloy ito sa pag-susubo sa kaniya hanggang maubos niya ang pagkain sa bandihado. ‘Ang sarap naman magpa-baby sa mahal ko! Sana araw-araw ganito…’
“Busog ka na ba o gusto mo pa?”
“Nanadya ka ba? Noong una kung anu-anong uri ng chocolate pinapadala mo sa bahay, ngayon gusto mo akong bundatin sa kabusugan… gusto mo talagang tumaba ako ano, para makaganti ka?” ibinato niya rito ang unan na kani-kanina lamang ay sinasandalan niya, mabilis ang reflexes na naka-ilag ito.
“Wala akong intensyong ganoon ah, nagtatanong lang talaga ako,” sa unang pagkakataon ay bumakas sa sa tinig nito ang hindi na maitagong inis.
“Well, kung tapos ka ng magtanong pwede ka ng lumabas!”
“Fine!” nagdadabog na binuhat nito ang tray palabas ng pinto.
“Teka, ilan pala ang kwarto rito?” nagawa niyang itanong bago nito tuluyang maisara ang pinto.
“Bakit?”
“I’m just wondering kung saan ka matutulog?” patanong na aniya.
“Sa bubong!” anito saka malakas na ibinagsak pasara ang pinto.
Napakurap siya sa nag-sarang pinto. ‘Shit! Naasar yata!’
TILA nahihipnotismong tinitigan niya ang wall clock. Pasado ala-una na subalit hindi pa rin siya makatulog ng maayos. Isa lang naman ang pinagkakaganoon niya. Ang pag-aalalang baka tuluyang magalit sa kaniya ang mahal niya.
Kaya naman pinagpasyahan na niyang lumabas ng kwarto para hanapin ito’t sabihin na ritong naniniwala na siyang mahal siya nito.
Pinihit niya ang seradura, all the while she thought naka-lock iyon subalit mali yata siya ng sapantaha. Marahil ay inalis nito ang lock kanina matapos siya pakainin. Malakas yata ang kutob na wala siyang balak tumakas.
Madilim sa kabuuan ng sala, kailangan pa niyang sanayin ang sarili sa dilim upang maka-aninag kahit papaano lalo na’t hindi niya alam kung nasaan ang switch ng ilaw. Nang masanay ang mata sa dilim na nakapalibot sa kaniya’y saka niya lamang namataan ang bulto ng katawan na nakahiga sa sofa.
It was Andrew.
Lumapit siya sa kinahihigaan nito’t sinipat-sipat kung gising ito. Sa malas niya’y tulog na ito kaya kailangan na niyang ipagpabukas ang dapat sabihin dito. Aalis na sana siya’t hahayaan na ito sa mahimbing na pagtulog subalit hinaltak nito ang laylayan ng suot niyang damit pantulog—na dinala nito sa kaniya earlier that night kasama ng iba pang damit na maari niyang suotin.
Impit siyang napatili ng bumagsak siya paimbabaw sa binata gawa ng paghila nito sa suot na damit. “A-ano ba, Drew?” buong akala niya talaga’y tulog na ito.
“Hmm… Miss Mayaman, bakit hindi ka pa tulog?”
“Bakit ikaw? Akala ko tulog ka na…”
“Why? May balak ka bang gapangin ako?” naanig niya sa dilim ang nanunudyong ngiti sa mga mata nito.
“Ang kapal ng mukha mo… bitiwan mo nga ako!” asik niya, pilit na kinakalas ang pagkakayakap nito sa baywang niya. Ngunit lalo lamang nitong hinigpitan ang kapit sa kaniya.
“Just stay here for a while…,” he murmured, walang pasubaling isinubsob ang ulo sa kaniyang dibdib.
‘Ngee… Juice me, bakit doon pa nag-pa-cuddle? Ang lakas kaya ng tibok ng puso ko…’ sa sobrang lakas noon ay halos umabot na sa pandinig niya. At malamang na batid na din ng binata ang nararamdaman ng puso niyang eratiko ang takbo.
“D-drew…” hirap na hirap na wika niya sa halos paos na tinig. Napalunok siya, namamawis na siya ng malamig dala ng kaba. Iba ang epekto ng pwestong iyon sa kaniya kumpara noong gabi na may nangyari sa kanilang dalawa ng binata sapagkat lasing siya noon. At ng mga sandaling iyon ay nasa matino siyang pag-iisip.
“Hmm?”
“Bitiwan mo na ako, please?” hinging pakiusap niya. Ngunit nag-angat lamang ito ng tingin. Malamlam ang mga mata’t nangungusap sa kaniya.
“I miss doing this to you… I miss kissing and hugging you. I badly needed you…” muli siyang napalunok bagaman nanunuyo na ang kaniyang mga labi. Ang mga nanunulas sa labi ng lalaki’y nakaka-tempt.
“Inaantok ka pa yata…” dahilan niya sa kawalan ng masasabi. Nang mga sandaling iyon ay gustong gusto na niya itong halikan ng buong puso. Ang magpaubaya sa nais ng puso niya’t sa sigaw ng katawan nito.
“Gising na gising ako, Rich, pati ang little friend ko ay gising na gising,” he teasingly pointed down his body parts where she lays. Nanigas siya sa pwesto niya. True enough ay naramdaman niya ang pamumukol nito sa ilalim ng shorts na suot nito.
“D-drew, a-ano ka ba?” lalong nanikip ang lalamunan niya. Unti-unti ng napapatid ang ilang hibla ng katinuan sa utak niya.
“Please, I need you…” lalong nanunudyong inilapit nito ang mga labi sa kaniya, stopping a few centimeters away.
“Oh, Drew, please tell me you love me…”
“I love you!” he uttered, staring at her eyes intently. Doon na nahulagpos lahat ng pagtitimpi niya’t katwiran sa isip niya. Siya na ang tumawid sa kakarampot na pagitang naghihiwalay sa kanilang hininga.
They kissed.
Sumunod noon ay naramdaman niya ang pagpapalit ng pwesto ng kanilang mga katawan. Kasabay ng paglilikot ng mga palad ng binata. Dinadama ang bawat parte ng noon ay hubad na niyang katawan. Ipinaparating sa kaniya ang pagmamahal sa alam nitong paraan.
Sa rurok ng kanilang pag-iisa ay nanulas sa labi niya ang gustong iparating dito, “I believe you, and I love you too!” nakapikit siya noon, naramdaman niya ang mapusok na halik ng binata bilang tugon.
Napuno ng luwalhati’t contentment ang kaniyang puso.
“HMMMM…” ang naka-ngiting mukha ni Andrew ang nabungaran niya ng magmulat ng mga mata. “H-hi!” nahihiyang bati niya. Matapos ng nangyari sa kanila ng nagdaang gabi ay sinalakay na naman siya ng mga daga sa kaniyang dibdib sa tuwing masisilayan ito.
“Good morning, princess…” sinalubong nito ng pagmamahal ang kaniyang blangkong tingin.
“Ka-kanina ka pa gising?” muli’y awkward na tanong niya.
“Hindi naman masyado, just enough to have ample of time to gaze at my muse,” amused na anito. Tila ini-enjoy ang pagkapahiya niya’t ang pamumula ng pisnge niya.
Bigla lalo tuloy siyang na-conscious ng sumagi sa isip kung ano ang itsura niya ng mga sandaling iyon. ‘At hindi pa ako nag-totoothbrush!’ hysterical na bulaslas ng utak niya.
Akmang hahalikan siya nito ng iiwas niya ang mukha. Nangunot naman bigla ang noo nito. “Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo?” may hinampong bigkas nito.
“Mahal mo ba talaga ako?” naniniyak na tanong niya.
“I managed to do those three surprises, ‘di ba? Isn’t that enough?”
Kunwa’y panandalian siyang nag-isip. “Sige na nga naniniwala na ako,” kapag kuwan ay aniya.
“So, can I have my morning greeting now?”
“Hah? Eh, hindi pa ako nag-totoothbrush…” alanganing aniya, natawa ito ng malakas sa tinuran niya.
“Ano ka ba, honey, it’s just me. Hindi mo kailangang ma-conscious ng ganiyan! May bad breathe ka man o wala, mahal pa rin kita…” bumalik ang amusement sa boses nito.
“Kahit na—“ hindi na siya nakapag-protesta ng tuluyan na nitong angkinin ang kaniyang mga labi. Muli’y pinagsaluhan nila ang musika ng pag-ibig.
“I love you!” they both uttered after the interlude.
AFTER two months…
Abala ang lahat, nakatipon ang mga bisita sa labas ng Coffee Hearts café para sa ribbon cutting ng coffee shop kasabay ng pa-blessing. Masaya sila, samantalang siya ay hindi mapakali sa kinatatayuan. Palinga-linga ang tingin sa paligid.
“Hey, Yam Yam!” tapik sa kaniyang balikat mula kay Odette ang nagpabalik sa kaniya sa huwisyo.
“Hey!”
“Sino bang tinatanaw mo diyan?” anitong sinipat-sipat ang nililinga niya. “My twin?” ito na rin ang sumagot sa sariling tanong.
“Oo, sabi kasi niya susunduin niya lang si Father pero nandito na si father e wala naman siya…” naka-ngusong aniya.
“Be patient, girl… darating din ‘yun, may baon pa…”
“What do you mean?”
Makahulugan lamang siyang kinindatan nito saka nilisan ang tabi niya para tumungo sa ilang invited guest nila.
Dalawang buwan na rin simula ng magka-unawan sila ng binata ang pinaka-unang natuwa sa unawaang iyon ay ang kakambal nito na naging daan upang malaman ni Drew ang nilalaman ng puso niya. Pero may mga problema pa rin siya sa sarili. Minsan ay hindi niya maiwasang ma-insecure lalo na ang mag-selos sa tuwing nasa paligid ang dati nitong nobya.
Ibinalik niya ang pagtanaw sa parking lot sa kabilang lane ng street—na madalas nilang pag-parkan. Sakto namang inalalayan ni Andrew pababa ng Sedan nito si Lhyne, habang nagtatawanan. Awtomatikong napasimangot siya.
‘Sinungaling! Si father daw ang susunduin, babae naman pala…’ himutok niya, umiiral ang selos sa dibdib.
Sa pag-angat ng ulo nito’y nagtama ang kanilang tingin. Kumaway ito subalit irap na nakakamatay ang sagot niya rito.
Ilang saglit pa’y nasa tabi na niya ito, kabuntot ang dati nitong lady love. ‘Bitter ako! Kakainis!’
“Hi!” sweet ang bati nito pero naasiman siya roon.
Matalim ang tinging itinapon niya sa gawi nito na hindi nakaligtas sa unusual observant eyes ng nobyo. Inakbayan siya nito’t pasimpleng bumulong sa tenga niya.
“Hon, nagseselos ka na naman ba?”
“Paki mo!” pakli niya. Stubborn na kung stubborn. Selosa na kung selosa. Sa iyon ang nadarama niya.
“Natutuwa akong ganyan mo ako kamahal, hon. Pero wala ka namang dapat ipag-alala pa. Kita mo yung lalaking iyon?” patago nitong itinuro ang lalaking kayumanggi na papalapit sa gawi nila. Tantiya niya’y halos kasing edad lang rin nila iyon. May simpatikong ngiting nakapaskil sa mga labi nito habang nakatingin sa isang particular spot malapit sa kanila. Nang sundan niya ang direksyon ng tingin nito’y napa-“Oh!” siya. Lalo pa ng hagkan nito sa labi ang nakangiti ring si Lhyne.
“See, hindi ka dapat nag-seselos…” napa-irap siyang muli ng makabawi.
“Eh, bakit kasama mo si Lhyne, may sariling date naman pala?” on interrogation mode na usisa niya.
Bumuntong hininga ito. “May fourth surprise ako e, although late na ihahabol ko sana. Nagpasama ako sa kaniya. Kasi naman dapat mamaya pa ito e. Panira naman iyang eagle eyes mo, kung anu-ano ang nakikita…” anito habang may kinakapa sa bulsa ng jeans.
Namilog ang mga mata niya, naglaho lahat ng selos ng parang bula. ‘Don’t tell me he’s going to propose?’
“Here!” bumulaga sa kaniya ang isang silver necklace na may palawit na isang butil ng coffee bean.
Rumehistro ang dismaya sa mukha niya na ikinakunot ng noo nito. “You don’t like it?”
“Hindi! Gusto ko… kaya lang…”
“Hey, don’t tell me you forgot another special event today aside from the opening of the shop?” nang-aarok ang tingin nito, may pagdaramdam.
Natampal niya ang noo ang maalala ang tinutukoy nito. “Sorry!” agad ay hingi niya ng paumanhin.
Nakakaunawa namang bumalik ang ngiti sa labi nito. “Okay lang, ngayon alam mo na. So, gusto mo ba o hindi?”
“Gustong gusto!” sa tinuran ay agad nitong isinuot sa kaniyang leeg ang kwintas.
“It suits you!”
“Thank you.”
“So, ano nga yung akala mo?” she blushed.
“Akala ko kasi… akala ko your going to propose!” alanganing amin niya.
Natawa ito saka pinisil ang tungki ng ilong niya. “Ikaw talaga, atat maging reyna kaagad. For the mean time enjoy being my princess muna…”
“Okay!”
Then they sealed their 2nd monthsary with a kiss, walang pakialam sa pagtikhim ng Pari na mamumuno sa blessings ng shop na noon ay nasa tapat na pala nila—tila naeeskandalo sa eksena na nakikita nito.
WAKAS
__________________________
ACKNOWLEDGEMENT
Yay, tapos na!
Unang una gusto kong magpasalamat kay dear GOD kasi binigyan niya ako ng sapat na courage para matapos ang istoryang ito. Without him… without his gift ay hindi ko magagawang magsulat at mang-inspire ng mga gaya kong naniniwala’t nanalig sa kapangyarihan ng pag-ibig.
Pangalawa, nais kong bigyan ng malaking hug ang aking mother dear for continuously supporting my passion and never thwarting what I like to do. And to my sisters who gives me encouraging words and never wanting me to stop… kasi nabibitin daw sila—baka batukan na nila ako kung hindi ko pa ito matapos.
Pangatlo, nais kong magpasalamat sa TOP for giving me the opportunity to share my stories—short story man o nobela. Pangatlong storya (nobela) ko na ito sa online site na ito at sa pamamagitan nila ay nabigyang daan ang hilig ko. Sa pamamagitan din nila ay patuloy akong natototo. Sa lahat ng bumubuo’t miyembro, salamat po!
Nais ko ring bigyan ng isang matunog na flying kiss si Ms. Tinz Case (Tinzzay) for making all the covers for this series. I also like to give a bear hug to Heidz for urging me to continue writing nung mga times na gusto ko ng mag-quit, super thanks girl!
At sa mga nakalimutan ko nang i-mention… super thanks! Power hug, guys!
Love,
Mharliz
Super ganda … Miss mharliz wala pa ba ang sunod??? Yung kay lhyne
Posted by Samantha viacrusis | Abril 10, 2013, 9:53 hapontwo thumbs up
Posted by MariaBAE | Disyembre 1, 2012, 11:40 umagai love the story ang ganda
promise
Posted by jjhuls | Nobyembre 15, 2012, 5:32 haponi love the story ^_^
Posted by yui panlican | Agosto 22, 2012, 9:23 haponi love it! i love it! hehehe
Posted by janna | Hunyo 19, 2012, 9:54 haponsupper ganda!!!
Itz supper amazing!
dapat tittle nito my anonymous girl eh, . .hehehe
ganda tlgah ng story =D
Posted by pazawaiy_1901 | Mayo 28, 2012, 8:43 umagawala pa ba yung kasunod ? nakakabitin na kasi .. i hope mapost na yung susunod .. =(
Posted by shai casipit | Marso 21, 2012, 5:29 haponi’m now officially a fan. thanks.
Posted by krizza | Pebrero 26, 2012, 9:55 umagasana may susunod pa kwento mo
Posted by ayaka | Pebrero 22, 2012, 8:22 haponNice story.. keep up the good work……
Posted by faige | Pebrero 22, 2012, 7:27 haponCongratz Mharliz!! ganda ng story!! kanino ang kasunod?
Posted by riemha0814 | Pebrero 11, 2012, 5:33 haponganda
Posted by belle | Pebrero 10, 2012, 5:21 haponoh my god!!super ganda ng story!! ang galing ng author!!
Mharliz: Thanks sa papuri… Nakakataba naman ng puso… hehe love na kita… ^^
Posted by marie_jl | Enero 28, 2012, 5:24 haponyam yam! i liked it!!
Mharliz: Parang pagkain lang ano…? Deliciouso… haha, yum yum… ay yam pala! Hope you like the story… ^^
Posted by anchine | Enero 24, 2012, 9:30 umagaWow sa wakas nabasa ko na rin, inaabangan ko kasi sa Fate ang story na to, thank you Mharlz, hay kinilig na naman ako…sana my kwento din ang buhay pag-ibig ni Odette..excited na ako..more power! at sana ganahan ka pang magsulat…
Posted by doreen5382 | Enero 8, 2012, 5:48 hapon@doreen5382 yup meron ngang love story si Odette sa seyreng ito… Pang-apat na kwento ang kaniya… Stay tuned! muah, love yah!
Posted by Mharliz | Enero 12, 2012, 8:55 umaganice ang ganda,,hahahah parang love ko na si drew….hihihihih
Posted by aiza | Enero 8, 2012, 2:51 hapon@aiza H’wag mo na iparang, tutuhanin mo na kaya lang baka habulin ka ni Rich ng jungle bolo pag nagka-ganoon! hihih… xoxo
Posted by Mharliz | Enero 12, 2012, 8:56 umagagood job…
Mharliz: Thank you!
xoxo
Posted by zoe@bella | Enero 5, 2012, 11:47 haponehem ehem! huli na ba ko ate @mharliz
)
haha! sobraaaaang nagandahan ako sa story na ito….
alam mo naman ang mahaba kong comment sau dba ate mariz… naku, saksi ako sa paggawa nito… sa fate palang sinubaybayan ko na
nice one! GOOD JOB! THUMBS UP!
Si Lhyne na ate…. excited ako…. hehe…
love yeah! mwaaah!
Posted by heidz | Enero 4, 2012, 4:21 umagaKailan ka pa naging huli? Eh ikaw ang isa sa unang hiningian ko ng opinyon about this e… @heidz
Posted by Mharliz | Enero 4, 2012, 6:48 haponHahaha! Eh di ako na ang kinilig! grabeh lungs!
hahaha!
Posted by agashijang | Disyembre 31, 2011, 9:01 hapon@agashijang ayun, natapos mo na din siya… hehe… can’t breathe na ba? ^^
Posted by Mharliz | Enero 2, 2012, 10:32 umagaAlam mo ung maganda ??
ETO un ehh !~ hahah
D
Congrats tita kong maganda :* muamuamua!
Posted by animelady09 | Disyembre 30, 2011, 1:59 hapon@animelady09 hehe, pamangkin, nang-uto ka pa… haha salamat… happy new year… muah!
Posted by Mharliz | Enero 2, 2012, 10:31 umagahahahaha ! asus ! totoo naman po tita ehh :* muaa . COngrats !
Posted by animelady09 | Enero 3, 2012, 11:26 haponnapaghahalata naman si Rich.. haha.. nice.. ang cute ng story.. si Pre ba sunod? feel ko ang kwento niya.. hihi.. thanks for sharing..
MHARLIZ: salamat sa pagbasa, ganda… Ay, sorry, third story pa si Pre e… ^^ Si Lhyne muna…
Posted by rishelL_18th | Disyembre 29, 2011, 4:47 haponganda ms mharliz..ano kaya ang sunod sa mga kwento mo.?keep it up
Posted by cutiektine | Disyembre 28, 2011, 11:58 haponAng ganda;)
Posted by danicarose | Disyembre 26, 2011, 7:57 haponSarap naman mgpakidnap haha.hay kakakilig.tnx MS.MHARLIZ.more stories to come
Posted by pilyasuplada623 | Disyembre 26, 2011, 2:31 haponSalamat sa pakikikilig sa akin, ah! abangan ninyo ang 2nd story sa seryeng ito… Although draft palang siya sa ngayon… darating din tayo diyan.
Makikipromote na din ako @pilyasuplada623, abangan mo rin ang huling story sa Bratinella Bitch Babe Series na ako at isa pang writer ang sumulat. hehe, salamat!
Posted by Mharliz | Disyembre 26, 2011, 4:16 haponyay! tapos ko na po!:) more to come:)
Posted by kaykay | Disyembre 26, 2011, 8:09 umagaLove it!!!
Posted by fremocryb28 | Disyembre 25, 2011, 12:36 umagawow!!!!ang sweet naman nung ending!..ang ganda-ganda nung story,,sobra!!!!!!!
Posted by Gesela Mae | Disyembre 24, 2011, 4:49 hapon@Gesela Mae, salamat sa papuri…
Posted by Mharliz | Disyembre 26, 2011, 4:19 haponayiiee…. kakakilig… ganda ng ending :”>
Posted by yumi | Disyembre 24, 2011, 4:28 haponSa totoo lang @yumi, mahirap gumawa ng isang ending na ‘Happy ending’ subalit ‘di mo maihahalintulad sa iba. Napakalaking effort noon sa parte ng isang writer kaya ang magustuhan ito ng isang mambabasa ay isang overwhelming feeling.
thanks for liking the ending…
feel free to give your feedbacks aa… :*
Posted by Mharliz | Disyembre 26, 2011, 4:18 haponnice one
Posted by Kj | Disyembre 24, 2011, 2:58 hapon