
Coffee Hearts Series: Brewed Love
“YOU’RE beautiful…,” she blushed. Pang-ilang beses na ba nito iyon sinabi sa kanya simula ng magkadaupang palad sila ng sandaling makababa siya ng hagdan?
He held her hand so tenderly that it feels like floating in the air. A sensible feeling she had never felt before.
Ganun pa man ay kulang pa rin. He had never uttered I love you to her, only I like you. Like? Come on, they are not in high school anymore.
Tumikhim ito ng hindi siya umimik. Kasalukuyan nilang tinatahak noon ang mahabang daan sa mansyon ng mga Termulo patungo sa garden kung saan nagtitipon-tipon ang mga bisita. Turns out it’s a college reunion plus despedida—ng isa sa mga colleagues ng binata na kakilala niya rin although not personally, to her relief. Hindi siya totally out of place kung ganun—kaya nakahinga siya ng maluwang na presentable ang itsura niya.
Binaling niya ang tingin dito. Hindi siya natatakot madapa o matapilok man lang dahil kontodo alalay ito sa kaniyang baywang.
“Why, thank you!” he had his signature lopsided grin plastered in his lips. Pleased to himself.
Ilang sandali pa’y narating nila ang destinasyon. Nakangiting sinalubong sila ni Sunshine Termulo—ang may-ari ng bahay na venue at siyang may pa-despedida. She warmly hugged Drew at nakipag-beso-beso sa kaniya.
“I thought hindi ka na makakarating,” ani Sunshine kay Drew. Nang bumaling ito sa kaniya’y lalong lumuwang ang ngiti nito—a true hostess in her place— “You have a lovely date here, dear!” hinagod siya nito ng humahangang tingin mula ulo hanggang paa. Their eyes met and she had an approving grin.
“Nice to meet you, Miss Termulo!” naging kaklase niya ito noon sa isang subject noon in college subalit hanggang ngitian lang sila kapag nagkakasalubong.
She rolled her eyeballs, “Oh, please call me Sunshine or Shine…”
“As you please, Sunshine!”
“Then, shall I take you to your seat?” anitong nagpatiuna na sa paglalakad. Muli’y naka-agapay si Drew sa kanyang bawat hakbang.
“SHALL we?” maginoong inilahad nito sa kaniya ang palad habang nakayukod. A slow romantic melody is playing in the background; it was an old song of the Bread.
“Drew, alam mong parehong kaliwa ang paa ko,” angal niya. During their prom days, she turned down all of the invitations from almost half of the guys in campus for that particular reason.
“You do not have to worry for I am here. Aren’t you forgetting my skills?”
She slightly snorted. “Yeah, right! Propesyonal ka nga pala,” he can’t hide the silly grin twitching in the side of his lips. Alam nilang parehong hindi rin ito ganoon kagaling sumayaw katulad niya, although compared to her Drew has the pulse to jam with the beat of music.
“Then, care to dance with the professional?” nilangkapan nito iyon ng himig nagbibirong tono.
Tatawa-tawang tinanggap niya ang alok nitong palad.
Pumagitna sila sa dance floor kasama ang ilan pang parehang nagsasayaw. Gathering man ang dinaluhan nila ay hindi niya dama iyon. Simula ng dumating sila ay naging napaka-attentive na ng kaniyang mahal sa kaniyang mga pangangailangan. Pakiwari niya’y ‘date’ talaga ang nangyayari ng mga sandaling iyon.
“Opps…”
“Sorry!” hingi niya ng paumanhin. Paano’y di sadyang sa isang ikot nila’y naapakan niya ang kaliwang paa nito. Tumawa lang ito bago muli silang umikot. Hanggang sa hindi niya namalayang patuloy ang pagsyaw nila pa-ikot, paalis sa dance floor.
Di naglipat saglit ay nasa isang tagong lugar na sila. Sa isang parte ng hardin na madilim at tago sa mata ng iba pang bisita ng gabing iyon.
They continued to sway hanggang maglapat ang kanilang mga labi. Hindi tulad noong una na aksidente ang pagkakadantay ng kanilang mga labi, ng pagkakataon iyon ay ginigiya siya ng mga labi nitong sumunod sa bawat galaw niyon at makisayaw.
This time she was not in trance, she must have prepared her heart from the initial shock before. Nang pagkakataong iyon ay gustong tumugon ng katawan niya’t sundin ang hiyaw ng kaniyang puso.
She kissed back.
When he felt her response ay lalong lumalim ang halik nito. At nagdiriwang ang puso niya. Wala pa sana silang balak maghiwalay kung hindi tila kinakapos na sila ng hininga.
Malamlam ang mga matang tinitigan siya nito habang marahang hinahaplos ang pisnge niya.
“I really like you!” anito.
Tila naman naumid ang dila niya. ‘Pwedeng mag-walk out?’ Subalit pinigilan niya ang sarili. Hindi naman ganoon kadali ang lahat, balang araw maririnig niya rin dito ang matagal ng nais marinig. Yun na lang ang pa-konswelo niya sa sarili.
Isang kiyimeng ngiti na lamang ang ipinakita niya rito ng mapansing tila naghihitay ito ng tugon sa sinabi nito mula sa kaniya.
“Ba-balik na tayo doon?”
“Sure!” inalalayan siyang muli nito sa paglalakad.
Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay nabawasan ang sigla niya. Masyado naman kasi siyang expecting… ‘Hay!’ Samantalang kakasabi pa lamang ng Mama Simone niya, “Never assume and never expect too much, para di ka gaanong masaktan sa bandang huli!”
Sa kawalan ng mapagbubuntunan ay hinagip niya mula sa waiter ang tangan nitong wine. “Hey!” akmang aagawin sa kaniya ni Drew ang Kopita ngunit mabilis na niya iyong nalagok.
“May problema ka ba?” lumitaw ang gitla nito sa noo, na lalong ikina-gwapo nito sa halip na ikadagdag ng edad nito. That made her pity herself even more.
Ito siya, kasama ang taong matagal niya ng iniibig bilang siya niyang date… her prince in her dream fairytale subalit hindi naman niya arok ang tunay nitong nadarama para sa kaniya. It’s frustrating!
“Sus, we’re in a party might as well enjoy it!” pinapungay niya ang mga mata habang sinasabi iyon. Magmula ng dumating sila sa party na iyon ay nakaka-tatlong baso pa lamang siya ng alak pero tila binabaliw na noon ang isipan niya idagdag pa ang nararamdaman niyang dismaya.
Napapalatak ang binata, “Tsk! I know pe—“
Naputol ang iba pa nitong sasabihin ng mula sa kung saan ay may pumulupot na braso sa leeg nito. “Drew, darling…” the woman dressed in bloody red purred.
Kilala niya ang babaeng iyon dahil noong college days pa nila ay madalas niya itong makitang bumubuntot kay Drew sa tuwing pupuslit siya sa college department ng mga ito. “Kendra?”
Kendra pout, dismayadong tila baga nakalimutan na siya ng binata. “No one else, darling!”
“Oh, kailan ka pa dumating? Ang huli kong balita about you ay nasa France ka,” lumitaw ang mapang-akit na ngiti sa mga labi ng babae.
“I had just arrived… just in time to see your handsome face again!” natawa ang prinsepe niya. Di niya maiwasang mapaingos. Gusto niyang gawing palakang pula ang babaeng itong lumalandi sa date niya—iyon e kung may magic siya, ang kaso ay wala.
Sa inis ay muli niyang inisang tungga ang wine na pagmamay-ari ni Drew, na pinagpapasalamat niyang hindi nito napansin.
“Care to dance with me?” naulinangan niyang aya ni Kendra sa malanding tinig. Noong unang kita palang niya noon sa kulot na bombaying ito ay kumukulo na ang dugo niya, lalo pa ngayon. Pwede na siyang sumabog na parang bulkan.
“Kendra, may kasama kasi ako,” tinapunan siya ng tingin ng binata, nagkibit balikat lang siya, para ipakita ritong balewala lamang iyon sa kaniya. Nungkang ipapakita niya ritong gustong gusto na niyang bitayin ang babae sa harap niya.
“You wouldn’t mind, dear, right?” ani Kendrang umasim ang mukha ng tumingin sa kaniya bagaman nanatiling malambing ang boses para sa pandinig ni Drew.
‘Chii… plastic!’
“Yeah, okay lang ako dito, Drew… go ahead,” aniyang nginitian ito ng pilit.
“Sure?”
“Pretty much sure!” doon nito nasulyapan ang empty glass of wine nitong tanggan pa niya. Muling nangunot ang noo nito pero hindi na nito nagawang makapag-protesta ng hilain na ito ng pulang Bombay patungo sa gitna ng dance floor.
Napa-ismid siya. Kung ikukumpara ang itsura nila kapag magkasamang maglakad ni Drew ay ang layo ng contrast kapag ang trying hard Santa Claus Bombay ang kasama nito. ‘May bagay pa rin kami,’ giit niya sa sulok ng utak niya.
Ngunit hindi pa rin niya maiwasang atakehin ng pagka-selosa, kaya naman muli niyang tinawag ang pagala-galang waiter na inagawan niya ng wine. Kinuha niya sa tangan nitong tray ang tatlong baso ng tequila.
PAGBALIK niya sa table kung saan naiwang naka-upo si Rich ay nakapatong na ang ulo nito sa pinagsiklop na braso sa ibabaw ng mesa.
Sa tabi nito’y ang mga wala ng lamang baso ng alak. Napailing siya ng maamoy sa isang baso ang pamilyar na amoy ng Tequila.
Hindi niya alam kung ano ang problema nito. Simula ng halikan niya ito sa madilim na bahagi ng hardin ay naging ganoon na ito. ‘Nagalit ba siya sa ginawa ko?’
“Rich?” marahan niyang niyugyog ang balikat nito. “Hmmm…” ng iangat nito ang ulo ay mahina siyang napamura. Namumula na ang mga mata nito.
“U-uwi na tayo?” tila wala sa sariling tanong nito.
He heaves a sigh, “Oo, ihahatid na kita!” matigas ang tinig na aniya.
Naiiling na inalalayan niya ito patungo sa lugar kung saan naka-park ang kotse niya.
NAPAHALAKHAK siya ng agawin ni Drew ang susi ng unit niya mula sa kaniya. Tinatangka niyang isuksok sa susian iyon ngunit dala marahil ng pagkahilo ay lagi iyong dumadaplis ng hawak niya.
Nakita na niya sa sulok ng mga mata ang pag-iling nito. Napa-ingos siya. ‘Bakit ba ito umiiling? Kasalanan niya naman kung bakit ako naglasing!’ Ang totoo ay hindi naman talaga siya lasing, nahihilo lamang siya. Palibhasa’y may low tolerance siya pagdating sa pag-inom ng alak—kaya ng maramdaman niyang hindi na niya kakayanin ay tinaboy na niya ang waiter palayo sa kaniya.
“We’re going in!” anunsyo nito subalit di siya tuminag sa kinatatayuan.
Napapitlag siya ng walang anuman na pinangko siya nito papasok ng bahay, as if she doesn’t weigh 120 pounds.
Bumalik sa isip niya ang eksena kung saan pumunta si Drew doon na umiiyak sanhi ni Lhyne, bigla’y parang gusto niyang pumalahaw muli ng iyak. Tsk, bawal talaga siyang uminom, nagiging emosyonal siya ng sobra.
“Okay ka lang, Miss Mayaman?” pagkuwan ay tanong nito matapos siya mailapag ng walang kahirap-hirap sa kaniyang sofa. Akmang ilalayo nito ang katawan sa kaniya subalit mabilis niyang naikawit ang braso sa leeg nito.
“Huwag mo akong iiwan,” nakasungaw ang mga luha sa matang paikusap niya. She can’t hold it in any longer. Kapag natapos ang gabi na itong hindi pa niya naiihahayag ang nararamdaman ay baka tuluyan na siyang mabaliw.
Makukulong sa mental ang prinsesa ng prinsepe…
“Okay… okay, dito lang ako, promise!” anitong pilit na iniaalis ang pagkakapulupot ng braso niya sa leeg nito.
“Ayaw mo ba akong kayakap?” napamaang ito sa tanong niya.
“H-hindi sa ganoon, Rich…”
“Then, bakit lumalayo ka?” napawi ang luhang napipintong bumagsak mula sa mga mata niya, napalitan iyon ng pilyang ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi.
“Dapat siguro mag-shower ka para mahimasmasan ka,” suhestiyon nitong impit niyang ikinatawa.
“Sasamahan mo ba ako?” bigla naman itong napalunok sa tanong niya, saka umiling.
“Hindi! Dadalhin lang kita sa kwarto mo…”
Pinaglaruan niya ang kurbata nito. “Hindi ka ba naiinitan?” alam niyang dilikado ang larong gusto niya pero handa siyang maging taya, ano man ang kahinatnan noon. Iba talaga ang nagagawa ng alak sa utak ng isang tao. Now she had the courage to do anything like this ludicrous things.
“Enough, Rich!” she saw him clenched his jaw. Napalabi siya. “Dadalhin na kita sa kwarto mo para makapag-shower ka na!” may pinalidad na anito.
“Paano kapag nadulas ulit ako?” she put up her best puppy eyes.
Napabuga ito ng hangin. “Rich!”
Padabog na tumayo siya palayo mula rito. Inaasahan niya hindi na siya pakikialaman nito’t aalis na lamang. Hindi niya inaasahan ang sumunod nitong ginawa.
Her feet were firmly planted on the floor, ni hindi niya magawang makagalaw sa higpit ng pagkakayakap nito sa baywang niya.
“I’m sorry!” mahinang bulong nito.
“Saan?” pinilit niya humarap dito pero walang katinag-tinag ang bisig nito.
“For kissing you at the party without asking for permission… alam kong nagalit ka!” bahaw siyang natawa.
“Yun ba ang akala mong ikinainis ko?” hindi niya nakita ang pagtango nito, ang naramdaman niya’y ang pagdantay ng baba nito sa kaniyang naka-expose na balikat. Napapiksi siya.
“Ano ba kasi?”
“Hah! Can you believe it? You told me you like me, yun lang naman!” sa pagkakataong iyon ay iniharap siya nito habang hawak ng mahigpit ang magkabila niyang balikat.
“Iyon lang? Tell me, ano ba ang gusto mong marinig?” he furiously meets her gaze. Siya ang hindi nakatiis, tila napapasong nag-iwas siya ng tingin. “Rich… Miss Mayaman?”
Pilit nitong inihaharap ang mukha niya rito. “Ano ba? Ewan ko, Drew! Ewan ko!” asik niya rito.
He furrowed his eyebrows. “So hindi ka nagagalit na hinalikan kita?” nakakunot din ang noong tumango siya, walang saysay tumanggi.
“Then hindi ka magagalit kung gagawin ko ito ulit?” bago pa siya makahuma ay sakop na nito ang kaniyang labi.
It was like the same kiss they had share at the party. Parang may mga paru-parong hindi mapakali sa kaniyang dibdib at sikmura. Tila may kusang isip ang kaniyang mga brasong pumulupot sa leeg ng binata.
He teasingly nib her lower lip, making her moan. Ilang saglit pa’y nakikipag-espadahan na siya ng dila rito. Lalong humigpit ang yakap niya rito dala ng pagkaliyo sa tamis ng halik na kanilang pinagsasaluhan, making him moan in return.
In between kisses ay paulit-ulit niyang ibinubulong ang pangalan nito… “Hah, D-drewww…”
Lumipas ang ilang sandaling nasa ganoon silang posisyon hanggang sa namalayan nalamang niyang nagiging pangahas na ang galaw ng malilikot nitong kamay. She deliriously gasped when he cupped her breast, hindi niya alam kung paano nito nagawang maalis ang harang na nakapagitan doon, naramdaman na lamang niya ang malamig na dapyo ng hangin sa kaniyang balat. Lalo pa siyang nanlamig nang ang mga daliri nito’y nakipaglaro sa mamula-mulang rosas sa kaniyang dibdib.
Hindi niya malaman kung saan ibabaling ang ulo o kung saan kakapit, napasabunot na lamang siya sa buhok nito.
Nanghihina ang tuhod niya dala ng sensasyon kaya naman nagpaubaya lamang siya ng buong puso ng umangat ang katawan niya sa ere. Di naglipat saglit ay nasa loob na sila ng kaniyang kwarto. Nakalapat pa rin ang kanilang mga labi.
Naramdaman niya ang malambot na kama sa kaniyang likod. That made her flutters her eyes open. Nakatunghay sa kaniya ang maamong mukha ni Drew. “Tell me to stop, Rich…” anito sa hirap at halos paos na tinig. Umiling siya, inviting him to do more.
Sa binitiwan niyang senyales ay mas lalong naging pangahas ang mga sumunod nitong galaw…
MARAHAN niyang hinawi ang buhok na nakatabing sa maamong mukha ng babaeng katabi. Ingat na ingat na ‘wag magambala ang mahimbing nitong tulog.
He never thought of sleeping with her neither did he thought he would fall for her. When she whispered “I love you” in his ears the other night he was so overjoyed that he climaxed. It was the feeling he never had experienced with his past relationship especially with Lhyne.
And for once he came to understand the reason behind her attitude the previous night.
Tunog ng kanyang cellphone ang nagpabangon sa kanya mula sa kama. Sa takot na magising ang dalaga sa tabi ay dali-dali niyang sinagot ang kung sino mang nasa kabilang linya.
“Drew…”
“Lhyne? Napatawag ka?” lumayo siya sa kama kung saan nalingunan niya si Rich na himbing pa rin ang tulog.
“I need to talk to you, Drew… I need someone to talk to,” narinig niya ang mahinang paghikbe nto. Nahabag siya para rito. Hindi naman lingid sa kanya ang kalagayan nito at ng kababatang si Shane. Simula ng umuwi ang lalaki sa Pilipinas ay wala na itong ibang ginawa kung hindi ang pahirapan ang kababata. Noon ay selos ang nadarama niya patungkol dito dahil bagaman nasasaktan na si Lhyne ay mahal pa rin nito ang lalaki. Ngayon ay galit ang emosyong nadarama niya ukol sa lalaki, wala itong karapatang manakit ng babae.
“Where are you?”
“I’m at the site. I don’t know where to go,” muli’y narinig niya ang pag-hikbe nito.
“I’ll be there, wait for me, okay?”
“Okay!” nang mai-off ang cellphone ay agad-agad na nagbihis siya para mapuntahan ang dalaga. He’s worried at what she might do to herself if he wouldn’t arrive on time.
anu ba yan?
Posted by jjhuls | Nobyembre 15, 2012, 4:50 haponshocks…. sabi ko na e….. patay ka drew….. hirap yata ng bf na sobrang baet.. hehe..
Posted by faige | Pebrero 22, 2012, 6:31 haponhappy na eh.. meron lang sumingit
Posted by riemha0814 | Pebrero 10, 2012, 1:11 haponmy asungot.
Posted by belle | Pebrero 10, 2012, 5:01 umagaayy nku may epal pa ohh,,
drew dont leave
Posted by purvletlove | Enero 15, 2012, 4:47 umagaAy naku naman… ang dami palang nagalit kay lhyne dito. Ahehehe… sorry naman, ndi niya intensyon yun ah… hehe!
Posted by Mharliz | Enero 15, 2012, 10:56 umagahay kontrabida talaga tong si lynne
Posted by doves | Enero 5, 2012, 11:43 haponNkaka inspired 2ng c andrew pero nkaka buwsit 2ng c lhyne. Grrr…
Posted by mayette21 | Enero 4, 2012, 4:24 haponpanggulo si lhyne..
malulungkot na nman niyan si Rich eh..
Posted by agashijang | Disyembre 30, 2011, 2:46 haponano ba talaga lhyne.?
Posted by cutiektine | Disyembre 28, 2011, 11:05 haponmay emeksena
) ahahah
Posted by yumi | Disyembre 23, 2011, 11:12 haponuy……….. merong kainis,,,,,,,,,,,
Posted by Kj | Disyembre 24, 2011, 2:32 haponehhh….nang-iistorbo naman ‘tong si Lhyne eh……..
Posted by Gesela Mae | Disyembre 23, 2011, 10:18 haponaww.. selos nnmn c rich nyan..
Posted by danielle.nikki | Disyembre 22, 2011, 8:42 haponkainis….
Posted by annamay | Disyembre 22, 2011, 1:31 haponHay naku may epal
Posted by pilyasuplada623 | Disyembre 22, 2011, 12:41 umaga