
Coffee Hearts Series: Brewed Love
MAY kabang bumundol sa kanya habang nakapila siya sa counter ng Coffee Petite Shop. Ewan ba niya pero tila may masamang nangyayari sa babaeng kasama niya sa mga sandaling iyon.
“Miss, please pakibilisan lang,” aniya sa magandang babae sa counter matapos makuha ang order niyang coffee na siyang paborito ni Rich.
Inilabag niya sa ibabaw ng counter ang 1,000 peso bill nang makuha ang order saka nangmamadaling umalis. “Sir, wait your change po,” tangkang ipapahabol pa siya nito sa isang waiter doon na sinenyasan. He shrugged, “Keep the change,” aniyang ni hindi man lang lumilingon. Wala na siyang pakialam sa gasinong sukling iyon. He knows he needed to go back where Rich is waiting.
Across the street he heard her scream, “ANDREEEEEW!” That scream enough is a proof of his instincts. Mabilis na tumakbo siya papatawid ng kalsada patungo sa parking lot ng SML.
ISANG malakas na suntok ang isinalubong niya sa lalaking kumakaladkad kay Rich. Kilala niya ang lalaking ito dahil sa madalas itong laman ng mga society pages bilang nagiisang heir ng Sandoval clan. Wala sa hinagap niyang may nasty attitude ang binatang hinahanggan ng ilan.
“Anong—“ nakahawak ito sa pangang sinuntok niya. Matalas ang mga matang nilingon siya nito. Isinalya nito papasok sa back seat ng black SUV nito ang dalagang mariing yakap sa baywang upang harapin siya. He had a sarcastic smirked plastered on his face. “Ah, Rich’s new lover boy…” patuyang usal nito na ikinainit ng ulo niya. Anong akala nito sa dalaga? Isang babaeng basta-basta? Pero hindi niya pinahalatang na-apektuhan siya. Bagkus ay sinakyan niya pa ang tinuran nito.
“So? What is it to you if I’m her lover?” he’s buying time upang makatiyempo.
“Ano sa akin? Dapat ay ako lang ang lalaki sa buhay niya. Ako lang dapat!” may angil na wika nito. Napailing siya. Ito marahil ang sinasabi ni Rich na manliligaw nito. No wonder na nagbitiw ito ng mga salitang hindi magugustuhan ang lalaki. Paano’y bakas sa salita at kilos ang pagka-possessive at obsess.
“Gago ka pala eh!” isang malakas na suntok ang muli niyang pinatama sa mukha nito. Agad itong nakabawi at inambahan siya ng suntok. Mabilis ang reflexes na nakailag siya mula sa pag-atake nito. Ngunit hindi ito papayag na hindi man lang nakakaganti sa dalawang suntok na nakuha nito sa kanya. At the same time na yumuko siya upang makaiwas sa suntok nito ay sinipa siya nito sa kanyang sikmura. Naramdaman niya ang malamig na semento ng parking lot sa ginawa nito. Gumulong siya paiwas ng muli siya nitong ambahan ng tadyak. Tumayo siya mula sa pagkakahiga sa semento saka muli ‘tong sinugod ng suntok. This time, dapat ay mapuruhan na niya ito.
“HMMMM…” nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nasa loob na siya ng mini cooper. Masakit ang ulo niya at ang kanyang sikmura pero hindi na niya gaano iyong pinansin. “Andrew!” Ang binata agad ang unang hinanap ng paningin niya. Naka-ngiting sinulyapan siya ng binatang abala sa pagmamaneho. ‘Anong nangyari? Si…’
“Si Marco,” anito na tila nabasa ang iniisip niya. “Ayun, nasa prisento. Susunod nga tayo ngayon doon para magkuhanan tayo ng statement. Saka para masampahan na rin ng kaso para magtanda, attempted kidnapping ‘yung ginawa niya e.” Napalingon siya rito.
“’Wag na magiging malaking iskandalo lang iyon. Mabuti pa umuwi nalang tayo,” naabala na niya ito ng sobra.
“Anong ‘wag na… hindi iyon magtatanda kapag hindi mo ipinakulong,” tiim-bagang na turan nito. Halata sa tinig nitong galit ito.
Naka-ngiting hinawakan niya ito sa braso, “Andrew, pagod na ako, umuwi na tayo, please?” Napabuga ito ng hangin. “Stubborn Lady!” hindi iyon nakatakas sa pandinig niya na ikinatawa nalang niya.
“Nasa’an ba ang coffee treat ko?” she asked in her attempt to make the mood inside the car lighter. Bagaman halatang pilit, nakangiti na ring ininguso nito sa kanya ang Mocchaccino.
HINDI pa rin siya dalawin ng antok ng mga sandaling iyon. Katatapos lamang nilang mag-usap ni Odette sa telepono. Andrew immediately fills her in about the event as soon as he got home.
“Oh my god… oh my god…” bungad nito sa kanya ng tawagan siya. The familiar excited tone is in timber of her voice. “Kinikilig ako,” dugtong pa nito.
“Duh! Anong nakakakilig sa nangyari sa akin? Is kidnapping now a romantic thingy of guys? Is that a new vindictive way of courting?” sarcastic na turan niya.
“Duh! I’m not referring to that, silly! What I mean is nakakakilig ang pagiging Knight in shinning ng twin ko,” sapantaha niya’y nakataas na ang kilay nito sa kabilang linya. Nangiti naman siya sa tinuran nito. Totoo namang nakakakilig ang ginawa nitong pagtatanggol sa kanya. Sana nga’y gising siya noong mga sandaling binabanatan nito si Marco. ‘The nerve of that guy!’
“Yeah, right!” pigil ang kilig na usal niya.
“Naku kung ako ang nandoon makakailang tadyak yun sa akin, tignan ko lang kung hindi magkabutas-butas ang mukha niya gawa ng heels ko,” pagkakuwan ay usal nito. Napalis ang ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi. She had enough of those talks. Nakaka-upset isipin na magagawa sa kanya iyon ng taong nagsasabing mahal siya. Yes, she did not love him but she truly adore him kahit na pinagtataguan niya ito kapag inaatake ng kakulitan.
“’Wag na nating pag-usapan ang bagay na iyan. What we need to talk about ay ang enrollment natin sa crash course for Baristas,” walang pasubaling pag-iiba niya ng usapan.
“What? Why do we need that kind of thing? It’ll be just a waste of time!”
“That’s your twin’s idea, best friend, not mine. Kaya ‘wag ako ang kagalitan mo,” aniyang medyo nailayo pa sa tenga ang telepono dahil medyo lumakas ang boses nito.
“Hmp! Agree ka lang doon dahil love mo yung tao.”
“Of course not!” mariin niyang tanggi kahit may bahid iyon ng kaonting katotohanan. “Ang akin lang ay para sa betterment ng business na ito. Wouldn’t it be nice kung tayong owners ay hindi lang basta mahilig uminom kung ‘di marunong din gumawa ng class coffees in town?” dagdag pa niya upang tila mapagtakpan ang double meaning ng agreement niya.
“Ay naku! Bahala na kayo ni Drew diyan. Tutal kayo ang nag-isip niyan. Just let us know when and where the classes would be,” sa wakas ay wika nito matapos ang tila isang taong pagmumuni-muni.
“Good!”
“O kaya… kayong dalawa nalang ni Drew para solo mo siya,” biglang hirit nito na ikinagulat niya. Ni hindi niya naisip ang bagay na iyon.
“You’re a genius!” Bulaslas niya. Sa pagkakataong iyon ay si Odette naman ang nagulat. Hindi nito inaasahan ang reaksyon niya… that she would agree.
“What do you mean?” nagugulomihanang tanong nito.
“This is probably my chance to be with your twin and prove to Andrew that I’m the right princess for him.”
“Oh…” ang tanging nasabi ng kausap sa kabilang linya. Pero hindi na niya pinansin iyon.
Ngayon nga ay hindi siya makatulog dahil abala ang isip niya sa pagpaplano ng mga bagay bagay upang makuha si Drew, by hook or by crook.
HINDI kalayuan sa bahay ni Lhyne ay nakapark ang isang midnight blue Sedan. Drew could not stop himself from watching over his ex. Kahit kanina ay nginitian siya nito matapos niya alalayan makaupo ay dama niya sa kilos nito ang coldness. Yes, she never had been that intimate with him but there’s this sweetness in her action whenever they’re together. He had not felt that sweetness that morning. That time when she’s walking away towards the door of the Italian restaurant he wanted to get up and follow her pero naunahan siya ng cowardice. Natatakot siyang muling ma-reject so, instead he stayed behind with Rich.
With Rich he feels always calm and always self-assured. Tila ba may pulling force itong humahatak sa mga negative thoughts na nakapaligid sa kanya. It’s like a little piece of heaven here on Earth. It even came to a point when he thought she’s that Anonymous girl he’d been looking for when he found her standing in that deserted hallway. It made his heart skipped a beat, hoping. But when she pointed a girl that had walked passed her he felt a sudden jolt of sadness. Disappointment?
Napalis ang disappointment na iyon when he approached that girl. He knew instantly he’s in love.
HE hurriedly approached the girl Rich claimed she saw. “Excuse me!” he’s almost breathless ng maabutan ito. “Y-yes?” ng lumingon ito sa kanya ay sandali siyang natulala. It’s not her perfectly shaped nose, not her red swollen lips, not her rosy cheeks. It’s the sadness in her beautiful chocolate brown eyes that made his heart ache. Not like the thing he experienced when he thought his Anonymous girl is Rich. This time is different.
“What do you need?” untag nito sa kanya nang nanatili lamang siyang nakatingin rito.
“Thanks for this,” itinaas niya ang tangang coffee in can.
“Ha? W-what?” tila nagugulumihanang tanong nito. “That’s not fro—“
“Shh… Never mind that,” agaw niya sa tangkang sasabihin nito. Alam niyang tatanggi ito. Kaya naman uunahan na niya ito. He would not allow her to escape this time. “Anyway, I’m Andrew. I presume you knew me already!” confident na inilahad niya ang palad dito.
“No, I don’t!” tanggi nitong nakakunot na ang makinis na noo.
‘Sheesh, I didn’t know she’s this cold!’
“Aw, common, what’s your name?” pamimilit niya.
Ekseheradong napabuntong hininga ito. “Lhyne!” napangiti siya. At dahil hindi pa rin nito tinatanggap ang nakalahad niya kamay ay ginagap na niya ang kamay nitong walang hawak na libro saka iyon ginawaran ng mabining halik. Muli itong napabuntong hininga.
‘Finally, I met you!’
MAINGAY na tunog ng kanyang bagong ringtone ang nagpagising sa kanyang himbing na tulog. Pupungas pungas na bumagon siya ng kama. Passed 4 o’clock in the morning na siya nakatulog kaya hindi katatakang makaramdam siya ng pamimigat ng ulo. It’s like someone had drop a dead heavy stone on top of her head.
Muling tumunog ang kanyang call alert tone. Halos mabingi siya sa malakas na volume. Hindi na niya hinayaan pang maka-abot sa chorus ang kanta ni Christina Aguilera, agad na niyang sinagot ang tawag.
“Sino ka na namang istorbo ka?” inis niyang wika bagaman mahinahon ang kanyang boses.
“Ms. Mayaman,” startled, she clasped her hands to her mouth when she heard his voice. Again, she failed to look at the caller ID.
“Ow! Sorry, Drew… Bad morning,” pagdadahilan niya.
“It’s okay,” she can literally sense the smile creeping in the side of his lips. Alam nitong grumpy siya whenever her sleep was bothered kaya di katakatakang alam nitong nagdadahilan siya. Obviously, he detected the sleepy-grumpiness in her tone the moment she failed to look at the caller ID and shouted at him. Nevertheless, he also knew that he can wash that grumpy attitude away with just letting her hear his voice.
Sabi nga ng mama nito ng minsang magbiro, “Drew is like your walking alarm clock!” 4th grade, it was the start of summer then and the Samuels enrolled the twins to a summer camp. Envied, she persuades her Mama Simone to enroll her too and she did. They had to leave at 5 in the morning but her Mama can’t wake her up. Nang mga sandaling iyon ay inip na inip na si Odette sa kakagising sa kaniya. Hindi na katakatakang malelate sila papunta sa camping site. Himala ng mga himala when Andrew called for her name ay agad siyang napabangon sa kama. Since then, what Mrs. Samuel had uttered became Andrew’s trademark in her sleeping attitude.
“Ah, napatawag ka?” ipinagpapasalamat na lamang niyang wala ito sa harapan niya ng mga sandaling iyon dahil kahit hindi niya makita ang repliksyon sa salamin ay dama niyang namumula ang kanyang mga pisngi ng mga sandaling iyon.
“I just want to inform you na nakausap ko na iyong friend ko. Pumayag siya na i-enroll tayo sa crash course for Baritas for only three weeks. Although we’ll be paying for the 3 months na supposedly ay itatagal ng kurso. Is that okay with you?” tuloy-tuloy na litanya nito.
“Ahm… Oo naman! We just have to inform the others,” she silently groan hindi pa man siya nakakaisip ng plano ay nagawa ng ayusin ni Drew ang lahat. Paano na siya? ‘Oh, pag-ibig ko!’
“No need, natawagan ko na sila kanina before I called you. Unfortunately, ang schedule ng class natin ay hindi match sa mga schedules nila. Si Odette naman ay sa dalawang session lang makaka-attend. So, basically, it’s just the two of us.” Para siyang nakarinig ng mga umaawit na anghel sa sinabi nito.
‘Lord you’re so good. I love you, Lord!’
Kulang nalang ay mahalikan niya ang cellphone sa tuwa. Lahat ng antok at bugnot na nararamdaman niya ay tila panandaliang napawi.
“Rich? Are you still there?”
“Huh? Ahh… yeah, nakikinig ako,” Too much day dreaming. Excited na talaga siyang masolo ang mahal niya.
“So, okay lang sayo ang set up natin?”
“Oo naman,” ‘okay pa sa alright!’
“Sige, I’ll just drop by to give you our schedules…”
“Hala! No need na i-email mo nalang sa akin or ako nalang ang kukuha nakakahiya naman sa iyo e halos ikaw na nga ang nag-asikaso sa lahat.”
“Nonsense! I’m on my way, see you!”
“What?” pero wala na ang binata sa kabilang linya. ‘On his way daw? Meaning? Hala! Kamusta naman ang ayos ko?’
Tarantang umalis siya sa prenteng pagkaka-upo sa kama at dali-daling tinungo ang banyo upang mag-ayos.
NAPAPITLAG siya sa kinauupuan ng tumunog ang video entryphone 30 minutes after Drew’s wake up call.
Agad niyang tinungo ang pinto. Nang nasa tapat na ay huminto siya’t huminga ng malalim bago tuluyang pinagbuksan ang bisita. Sa kanyang mga labi ay may naka-plaster na ngiti. “Hi!” bungad niya sa binatang swabeng nakatayo sa kanyang harapan.
“Hey!” ganting bati nitong may kasamang ngiti. ‘Ang cute talaga ng dimples ng mahal ko!’
“Tuloy ka…” niluwagan niya ang bukas ng pinto upang makapasok ito.
At home na naupo ang binata sa kanyag sofa. Nang makaupo na siya sa tapat nito ay agad nito inabot ang isang maliit na papel. Nagpalipat-lipt ng tingin niya mula sa papel at sa binatang kaharap.
“Schedule natin for the next three weeks sinama ko na rin dyan yung mga appointments natin for the construction of the café,” anito na tila nahulaan ang nagtatanong na tingin niya.
“Nakita na ito ni Odette?” tanong niyang ayaw ipahalata ang excitement. Tumango lamang ito. “I see… Ah, gusto mo ng coffee?” akmang tatayo siya pero pinigilan nito ang braso niya. Para naman siyang kinuryente sa ginawa nito. Wish niyang di nito mapansin ang mga nagtataasan niya balahibo.
“Ba-bakiiiiit?” kandautal na tanong niya.
“Kung tama ang hula ko hindi ka pa nagbebreakfast diba?” binitawan nito ang braso niya.
“Hi-hindi pa nga…”
“Then kain na lang tayo sa labas. Hindi pa rin ako nag-aalmusal e, gutom na ako. Treat ko na rin for interrupting your beauty sleep.”
“P-pero…”
“Please?” Argh… matatanggihan niya ba ang lalaking ito? Syempre hindi. Kaya wala siyang nagawa kung hindi ang tumango’t magmadaling magbihis.
Nang nasa loob na ng kanyang kwarto ay saka siya nagtatalon sa tuwa at impit na napatili. Sa tingin niya’y umaayon sa kanya ang tadhana. Napakabait ni Lord sa kanya ngayong taong ito.
ISANG simpleng bestida at flat ballet shoes ang napili niyang suotin taliwas sa extravagant outfit niya ng nagdaang araw.
Panandaliang hinagod ng tingin ni Andrew ang kanyang kaanyuan ng lumabas siya ng kanyang kwarto. “Ready?” nakataas ang kilay na tanong niya bagaman may kaonting nerbiyos sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.
Napapalatak ito, “Come to think of it, ngayon ko lang napansin na maganda ka pala…”
‘Ouch naman… bakit ngayon lang? Puro ka nalang kasi Lhyne!’
“Hah? Ah, kasi baka malabo lang yung mata mo o kaya baka kung saan-saan ka kasi nakatingin?” patanong niyang wika.
Natawa ito, “Baka nga… Ah, but I must tell you, you look more beautiful when your simple.” Matamis ang ngiting ipinukol nito sa kanya matapos sabihin iyon.
Tila lalong nayanig ang mundo niya sa inasal nito. She thinks she’s falling more and more…
kakakilig naman…!!!!!11111
Posted by jjhuls | Nobyembre 15, 2012, 4:07 haponhayyy cute tlgah itong story
Posted by purvletlove | Enero 13, 2012, 2:07 haponyour more beautiful when simple..banat ba iyan.?
Posted by cutiektine | Disyembre 28, 2011, 3:12 haponInfairness ha napapangite ako hahah nakakakilig kaso sayang kasi eh hnd alam ni drew
Posted by danicarose | Disyembre 23, 2011, 11:21 haponlove is blooming
Posted by Kj | Disyembre 24, 2011, 2:08 haponAt ako ay napapangiti ng mga comments ninyo…
Posted by Mharliz | Disyembre 26, 2011, 4:26 haponkinikilig ako!!!!hehe..
Posted by Gesela Mae | Disyembre 23, 2011, 4:38 haponkakakilig naman :”>
Posted by yumi | Disyembre 22, 2011, 9:29 haponEh di siya nang maganda.. hahah! kinilig! LOL:D
Posted by agashijang | Disyembre 22, 2011, 7:44 haponhmmmm… naka relate ko!!! ayyyyy!!!!
Posted by annamay | Disyembre 22, 2011, 11:27 umagaAy, talaga? Paano kang naka-relate @annamay?
Posted by Mharliz | Disyembre 22, 2011, 12:31 haponHahahay kilig na kilig ang lola
Posted by pilyasuplada623 | Disyembre 21, 2011, 11:47 haponWuahh.. ang tgal mag tom. For another gill..:(
Posted by danielle.nikki | Disyembre 20, 2011, 9:53 haponhow sweet..kilig to the highest level!
Posted by fremocryb28 | Disyembre 20, 2011, 3:39 hapon