Kabanata 8: Walang Paglagyan

PAGKATAPOS makapag-ayos at makapag-agahan ni Raymond kasama ang kaniyang ina, mabilis itong bumiyahe patungo sa bahay nila Amantha upang tulungan niya itong makapaghanda para sa malaking catering service na naka-atang sa mga balikat ng bago niyang nobya.

Maayos na nakarating si Raymond sa bahay nila Amantha. Agad siyang kumatok at sinalubong naman siya ng dalaga, kasama ang kapatid niyang si Andrea.

“Kuya Mon! Welcome back! I missed you!” sabay suntok ni Andrea sa sikmura ni Raymond. Nagkunwaring nasaktan siya sa ginawa ni Andrea kung kaya’t kiniliti na lamang niya itong bilang ganti sa kaniyang ginawa. Gumanti din ito sa kaniya ng kiliti. Nagsimulang magharutan ang dalawa.

Biglang pumagitna si Amantha at inawat ang dalawa sa pagbibiruan. “Andrea naman, babatiin mo lang ang kuya Mon mo eh pasuntok pa. At ikaw naman Raymond, sinasakyan mo pa itong craziness ng kapatid ko. Ewan ko ba sa inyong dalawa oh, pumasok na tayo sa loob at ng makapag-almusal.”

“Kaka-almusal ko lang sa bahay. Pero kung ikaw ang naghanda ng almusal, baka pwede kong tikman at husgaan kung pwede na bang lumagay sa magulo itong ate mo, tama ba cute?” Cute ang palayaw nito kay Andrea kasi talaga namang cute ito at makulit. Pagdating kasi kay Raymond, malambing ito. Pero pagdating kay Amantha, hindi ito ganuon kalambing sa kaniya.

“Ay naku Kuya Mon! Mas masarap akong magluto kaysa kay sa ate ko no. You should try my ultimate breakfast treat, “Sunset Bomb!”

“Whoah! Bakit naman ‘Sunset Bomb’? Nakakatakot naman atang kainin yan…”

“Naku Raymond, pinag-sama niya yung favorite recipe mo at yung sa akin and she came up with that ‘Sunset Bomb’ breakfast cuisine.”

Pagkatapos ng ilang minutong pagtatalo, tumuloy na rin ang tatlo sa loob ng bahay at sabay-sabay na nag-almusal kasama na rin ang kanilang bunso na si Andrew.

“Daing, itlog, kamatis, asin, kanin na may margarita at juice… errr… ito ba yung ‘Sunset Bomb’… ?” pagaralgal na tanong ni Raymond kay Andrea. Medyo nabigla siya sa kaniyang nakita dahil kakaiba ito ng konti sa kaniyang inaasahan.

“Hindi no! Typical breakfast lang yan dito sa bahay pag nagtitipid. Ito ang sinasabi ni ate sayo…” sabay abot ni Andrea ng may katamtamang laking mangkok kay Raymond. May takip ito kaya’t hindi niya agad nakita kung ano ang nasa loob nito.

Pagkatanggal sa takip ng bowl ni Raymond ay bigla siyang namangha sa kaniyang nakita at naamoy. “Rice topped with sliced tenderloin beef, sprinkled with sesame seeds, rosemary seasoning, tomato cheeks, carrot slices, egg, broccoli leaf, corn particles, some mushrooms, onion, pepper, olive oil, and…”

“… and!?” naghihintay na tanong ni Andrea kay Raymond, tila nasasabik sa huling ingredient na isasagot nito sa kaniya.

“And lots of love.” sabay ngiti ni Raymond bago nito tinikman ang ‘Sunset Bomb’ ni Andrea. Malapit na sa pagiging professional level ang cooking skill ni Andrea at konting practice pa ay tiyak na mas magiging magaling na cook ito kaysa sa kaniya.

“Tama! Thank you Kuya Mon! I love you!” sabay halik ni Andrea sa pisngi ni Raymond. Bagama’t nasa murang edad pa ito ay halata namang may gusto ito sa kaniya. Niyakap niya ng mahigpit ang lalake at pasimple na idinikit nito ang kaniyang dibdib sa mga bisig ni Raymond.

“Oi Andrea, tigilan mo na ang Kuya Mon mo dahil ka–”

“Kami na ni ate mo Andrea, isn’t that a good news?” tinitigan muna ni Raymond si Andrea at umaasa siyang magiging maganda ang susunod na mga mangyayari.

“Ka… kayo na ni Ate? Kailan pa ate? Kailan pa!?” biglang napalayo sa pagyakap si Andrea pagkatapos marinig ang pagtatapat ni Raymond. Malapit na itong umiyak sa kanilang harapan habang tahimik pa rin ang kaniyang bunsong kapatid sa pagkain.

“Kahapon lang, diba Amantha?”

Nagsimulang magbulungan si Raymond at Amantha sa isa’t isa…

“Patay Raymond.”
“Bakit?
“Hindi ko pa pala nasabi sayo na matagal ng in-love sayo yang kapatid ko.”
“What!? Bakit di mo sinabi?”
“Nakalimutan ko, pinaakyat kasi kaagad ni papa sa kaniyang kwarto si Andrea.”
“Paano na yan?”
“Naku, hindi ko alam. Yari ka sa kaniya. At mas lalong yari ako.”

“Hmpf! Ate! Kuya Mon! I hate both of you!” biglang sigaw ni Andrea sa dalawang nagbubulungan. Napahinto lang ang dalawa at naghintay sa mga susunod na sasabihin ni Andrea.

“I hate both of you kasi nilihim niyo sa akin! Alam mo bang mas gusto ko si Kuya Raymond para sayo instead sa Jonathan na yan!”

“Bakit naman Andrea?” tanong ni Raymond sa kaniya.

“Kasi naman, di hamak na mas gwapo, talented at mabait ka kaysa sa lalaking yun. Ewan ko ba kung ano nakita ni ate sa Jonathan na iyon at duon pa na in-love ng todo.”

“Andrea, hindi ka galit?” pagtatakang tanong ni Amantha sa kapatid. Halatang hindi na natuloy ang pagluha nito pagkatapos itong makasigaw ng malakas.

“Konti. Diba I just said that I hate both of you nga. Mawawala rin ito siguro kung mauubos ni Kuya Mon ang ‘Sunset Bomb’ ko.”

Napatigil ang dalawa bago nakahinga ng maluwag. Akala nila’y magiging hysterical si Andrea pag nalaman nito na sila na. Buti na lang at hindi naging ganuon ang sitwasyon.

“Aba, uubusin ko talaga ito. Pang professional level na kaya ang skill mo Andrea. You should step up to the highest degree of cooking.”

“Meaning?” may katarayang tanong ni Andrea sa kaniya habang tinititigan siya nito sa mata. Tinitigan din siya pabalik ni Raymond.

“It means… ikaw ang magiging assistant cook sa big event ng ate mo.”

“REALLY!? O.M.G.! I’m so happy! I love you na talaga kahit kayo pa ni ate ko! Mwah!” sabay yakap at halik na naman nito sa kaniya bago ipinagpatuloy ang kanilang almusal kasama ang unique na ‘Sunset Bomb’ ni Andrea.

“Buti ka pa Andrea, nasasabi mo yan… Gago ka talaga Jon…” sambit ni Amantha sa sarili pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Andrea. Naiingit ito sa kaniya dahil mas maraming itong naiipong lakas ng kalooban kaysa sa kaniya.

“Nasaan ka na? Kailangan kong makitang muli ang tatay ninyo para matapos na ang problema ko. Patawad Amantha, Andrea at Andrew… pero kung may kinalaman talaga ang tatay ninyo sa pagkamatay ng tatay ko, wala akong magagawa kung hindi tapusin ang nasimulan ko…” pagbabanta ni Raymond sarili.

~ by foobarph on March 21, 2008.

Leave a Reply