Kahit Kapirasong Langit (3).
Kinabukasan, sa eskuwelahan, nagulat na lang ako nang bigla akong yakapin ni Mariel sabay ang sigaw ng “nahanap ko na, nahanap ko na!” samantalang malabo pa rin sa akin kung paano niya nakita ang diary niya.
“Ang ganda na ng binabasa ko…” reklamo ko kasunod ang pagbitiw muna sa librong hawak ko.
“Gan’to kasi. Merong nag-abot sa aking lalaki. Sobrang gentleman kung alam mo lang. Sabi niya nakita niya daw yung picture ko sa diary ko kaya ipinagtanong niya ‘ko. Ta’s ‘yon! No’ng nakita niya ‘ko sa may library, tinanong niya kung ako ba ‘yun. Ayun nga ‘yung diary ko. Nagpasalamat ako tapos umalis…”
“Bakit, nasagwaan ba sa hitsura mo?”
“Ang sama mo! Tinawag kasi siya nung kaibigan niya.”
Tumawa ako. “Weh?”
“Oo nga. Sayang nga lang hindi ko natanong ‘yung pangalan niya. Pero parang pamilyar siya.”
“Kailangan pa bang itanong kung sino siya? If I know, binasa niya na ‘yang diary mo!”
“Hindi kaya!” Ipinakita niya ang bukasan ng talaarawan niya. “Tignan mo naman naka-lock pa rin.”
Natahimik ako sandali. Pagkatapos ay niyaya ko na siyang bumalik sa silid-aralan. Patuloy pa rin siya sa paulit-ulit na pagkuwento tungkol sa lalaking iyon.
“Pwede ba tumigil ka na. Naririndi na ‘ko sa’yo!”
Imbis na magalit siya sa akin ay siya pa ang natigilan. Walang salitang lumabas sa kanyang bibig ngunit may itinuro siyang estudyante. Hindi ko siya pinansin bagkus ay ibinaling ang pagtutok sa binabasa kong libro.
“Siya yung—siya yung nagsauli sa akin nitong diary ko, o.”
Hindi ko namalayan na nasa harapan na pala namin ang lalaking tinutukoy niya. Napatigil ako sa pagbabasa upang makinig sa pinag-uusapan nilang dalawa nang hindi tumitingin.
“Salamat nga pala ulit. Ano nga pala’ng pangalan mo? Ako nga pala si Mariel. Teka, alam ko na! Ay! Oo nga! Varsity ka, diba?”
Napatingin na ako dahil sa salitang ‘varsity.’ Kasabay nito ang pagsabi niya ng “Ako nga pala si Brixx. Nice meeting you.”
“Siya naman pala ang best friend ko, si Donna.”
Pilit na lumabas ang “Hi!” sa bibig ko.
“O, sige, mauna na ako. May practice pa kami.”
“A, sige. Bye!” sabay ngiti ni Mariel. “Thank you talaga.”
Simula noon ay naging kaibigan na ni Brixx si Mariel. Parati na silang magkatelebabad tuwing gabi at madalas nang magkasama sa pamamasyal. Naging mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko maubos-maisip na naging malapit silang dalawa sa isa’t isa. Palagi nila akong niyayaya ngunit palagi naman akong humihindi at nagdadahilang may gagawing iba. Alam kong makagagambala lamang ako sa pagiging malapit ng dalawa kaya palagi kong hinahayaang magkasama sila. Tuwina pa rin ang pagkukunwari kong maayos ang lahat. Hindi ko sinasabi kay Mariel na si Brixx, ang bago nitong malapit na kaibigan, ang dahilan ng bawat pagpunta namin sa mga basketball game. Wala akong balak. Ayokong masira ang magandang samahan ng dalawa lalo na noong nagkaroon na ako ng malakas na kutob na maaaring may relasyon na ang dalawa at hindi lamang nila sinasabi sa ibang tao.



















nak ng! sabi ko na nga ba si brixx ang nakapulot ng diary eh!
SP! continueeeeeeee! ^%_^
nApAtUnAyAn mO BaH Nsa mAy reLaTiOn TLaGA sIlAnG daLawa??
bAkA kAsI MAliNG aKaLA MuLAnG yAn??
YOU CAn See mY faCE sa frIeNdsTer kOH..
loverz_juvin18@yahoo.com