Kabanata 7: Walang Paglagyan
“ANAK… gising na…” mahinang bulong ng ina ni Raymond matapos niya itong maabutang natutulog sa sahig habang kayakap ng mahigpit ang kaniyang malaking unan. Basang-basa sa pawis ang kaniyang buong katawan kahit na may nakatutok na bintilador sa kaniya.
Pilit na binuksan ni Raymond ang mga talukap ng kaniyang mga mata ngunit sadyang napagod yata siya sa kanilang pagniniig ni Amantha kagabi. “Ma, bakit nandito ka? Baka makita ka ni Amantha…” mahinang bulong nito.
“Amantha? Naku iho, tayong dalawa lang ang nakatira dito sa bahay. Huwag mong sabihing nagdadala ka na ng babae sa kwarto mo ng hindi dumadaan sa akin!?” sambit ng kaniyang ina bago namilog ang mga mata nito sa pagkabigla.
Biglang napatayo si Raymond sa kaniyang pagkakahiga at tiningnan ng maigi ang kaniyang paligid. Tama nga ang kaniyang ina, nasa kaniyang sariling kwarto pa rin siya at wala siya sa kwarto ni Amantha. Isang panaginip lang ang nangyari sa kanilang dalawa. Isang panaginip na tila totoo dahil napansin niyang mamasa-masa ang kaniyang alagang sundalo.
Mabilis na tumindig at pagdaka’y huminto sa pintuan ng kaniyang kwarto ang kanyang ina bago ito muling nagsalita. “Anak, maligo ka muna. Amoy klorox ka kasi. Ahihihiiii!” sabay ngisi ng kaniyang ina bago siya iniwan nito sa kaniyang kwarto.
“Inay naman! Talaga naman oh… Anak ng… Sa dinami-dami ng mapapaniginipan ko… Bakit yun pa…” bulong ni Raymond sa sarili bago niya inayos ang kaniyang higaan at pumunta sa comfort room upang ayusin ang sarili.
Tumigil muna sa paglalakad ang kaniyang ina pagkatapos niyang makalabas sa kwarto ni Raymond. “Ito na ba ang tamang panahon mahal ko?” tanong ng kaniyang ina sa sarili bago tuluyang pumunta sa kusina upang maghain ng almusal para sa kanilang dalawa.
Samantala, sa loob ng kwarto ni Jonathan, sa kanilang mansyon…
“Sir Jonathan… good morning po…”
“Same here.”
“Ahm… gusto mo ba ng oats or heavy breakfast?”
“It’s up to you.”
“…”
“…”
“Sir…”
“What is it?”
“Ba– Bakit mo ginagawa sa akin ito…”
“I’m not doing anything, am I?”
“Shut up! Mahal kita! Hanggang kailan ako magtititiis ng ganito!?”
“…”
“Ginagawa ko ang lahat para mapansin mo ako pero si Amantha pa rin ang nasa puso mo!”
“That cannot change Clara…”
“Pilit kong ibinibigay ang sarili ko sayo kagabi ngunit tinanggihan mo ako…”
“I will not take advantage of your weakness and this situation.”
“Ano pa ba ang gusto mong gawin ko para mahalin mo ako? Kahit ano gagawin ko… mahalin mo lang ako… Please…”
“I’m sorry for not making love you with last night…”
“Kahit… mahalin mo lang ako sa kawalan kaya kong tanggapin”
“…”
“Kahit… pag-ibig na isang ilusyon, hindi na ako hihiling pa ng higit duon…”
“…”
“Kahit… ilang beses mong kunin ang aking kabuuan, hindi ako tatanggi…”
“…”
“Kahit… na pagsilbihan kita ng walang anumang kapalit basta’t nasa tabi lang kita…”
“…”
“Kahit… kahit na isugal ko ang lahat mahalin mo lang ako…”
“…”
“Kahit… na ano… kahit ano…”
“…”
Tuluyang nilisan ni Clara ang kwarto ni Jonathan, luhaan at puno ng paghihinagpis. Handa niyang ibigay ang sarili para kay Jonathan subalit iba ang naging pagtanggap nito sa kaniya.
Para kay Clara, isang kabaliwan ang kaniyang pag-ibig kay Jonathan. Maihahalintulad siya sa isang mapulang rosas na walang anumang tinik na siyang dahilan upang walang maging hadlang sa kaniyang pag-ibig para kay Jonathan. Determinado siyang gawin ang lahat makuha lamang ang atensiyon ni Jonathan at hindi siya magdadalawang isip na isugal pati ang kaniyang sariling buhay para lamang sa lalakeng minamahal…
Ngunit para kay Jonathan, si Clara’y magiging isang magandang panaginip na lamang dahil kapwa sila alipin ni Frederico. Bagama’t itinuturing siyang anak nito ay alam niya sa kaniyang puso na may ibang plano ito sa kaniya. Uhaw at ganid sa kapangyarihan ang kaniyang ama-amahan kung kaya’t magiging isang malaking kabiguan lamang ang kanilang pag-iibigan kung tatanggapin niya ang pag-ibig ni Clara.
“I’ll find a way… but not for now… my Clara…” bulong ni Jonathan sa sarili bago niya nilisan ang mansyon sakay ng kaniyang bagong kotse na iba sa kaniyang ginamit pagkatapos makipagkita kay Raymond.
“Mother… I’ll see you today…” muling bulong niya sa sarili bago niya pinaharurot ang sasakyan patungo sa direksyon ng bahay nila Raymond.



















[...] READ KABANATA 7: WALANG PAGLAGYAN [...]
lagot si clara. hehe
foo: naku, mas lalong lagot si raymond. ahehe
[...] Kabanata 7: Walang Paglagyan « Tagalog Online Pocketbook [...]
hay,, kabitin… wait q ung kasunod ha… congrats s gumawa ng web site….