Kabanata 2: Hanggang Kailan

“Jen, ano ba tong naririning ko na nobyo mo daw ang anak nila Luz, ikaw bata ka kabata-bata mo pa pag boboyfriend na pinapasok mo… di mo ba naalala sabi ng papa mo?bawal ang boyfriend pag wala ka pang natatapos! Isa pa akala ko ba magdodoktor ka pa? Paano ka magiging doctor niyan, Ewan ko lang ano ang gagawin ng papa mo pag nalaman niya ang pinaggagawa mong bata ka! ” sermon ni Mrs. Andreas sa panganay na anak habang nag-aalmusal.

Si Jen naman ay tahimik lang na kumakain, pero sa loob-loob nya ay nagngingitngit na sa kakaisip kung sinong tsismosa ba ang nagkakalat ng tungkol sa kanila ni Rommel.

Samantala sa bahay naman ng mga Galvez:

“Mel, napapadalas na yata pamamasyal mo sa hapon ah” puna ng ina nyang si Luz.

“Ma, bakasyon naman eh, isa pa kung di ako nagbabasketball ay si Jenny lang naman kasama ko” depansa agad ni Rommel sa sinabi ng ina.”

“Ayoko sa batang yun, napakataas ng tingin niya sa sarili niya, isa pa ang bata bata mo pa para mag nobya Rommel, ang landi naman ng Jen na yun din a inisip ang edad nya at kumarengkeng sayo!” Litanya naman ni Aling Luz sa anak.

“Ma! Hindi kumarengkeng si Jen sa akin! At lalong hindi siya mayabang! Sagot ni Rommel sa ina sabay tayo at din a tinapos ang almusal niya. Padabog na lumabas ng bahay at sumakay sa kanyang bike papunta sa bahay ng kaibigang si Nelson.

“Nen!!!” Tawag ni Rommel kay Nelson.

“Oi Mel, an gaga mo ah, ano atin….? Teka, bababa ako, pasok ka na lang, dun tayo sa may duyan.” Sagot ni Nelson sa Pagtawag ni Rommel sa kanya habang nakadungaw sa bintana ng bahay nila.

“Nen, puntahan mo naman si Jen o…. sinagot-sagot ko kasi si mama kanina, may nagtsismis kasi na nobya ko na si Jen. Kakaasar talaga!” nakasimangot na bungad ni Rommel sa kaibigan habang nakayoko at pinaglalaruan ng isang paa nya ang maliit na bato.

“Kaw naman kasi, Alam na alam mo naman na ang mga tao ditto walang ibang pampalipas oras kundi magtsismisan, eh panay pa ang pakikipagkita mo kay Jen! Pagtsistismisan talaga kayo niyan.” Paintindi ni Nelson sa kaibigan habang nakaupo at inuugoy ang duyan nya.

“Ano naman masama dun? Masama ban a magkita kami? Bakit may ginagawa ba kaming bawal? Wala naman diba? Masama ba kung magmahal ako? Masama ba mahalin ako ni Jen?” Tanong niya sa kaibigan.

“Hindi, hindi masama, kaso lang ay napakaaga niyong pumasok sa ganyang relasyon, napakaaga mong sumagot-sagot sa nanay mo, at kahit ikaw ay alam ang pagkahilig ng nanay mong makiunpok sa mga tsismosa habang nasa palayan ang tatay!”

“isa pa, si Jen kasi yun, pag sinabi mong si Jen… ibang usapan ‘yon! Di man sila mayaman ay alam ng lahat na mula sa isang matandang pamilya si Jen sa baryo natin, oo, alam ko may pera kayo, sino ba magmamana ng lupain ninyo eh wala kang kapatid, ikaw lang. Pero di pa rin sapat ‘yun para intindihin ang relasyon niyo ng mga tao dito na makaluma pa rin ang isip. Sa edad nating ‘to dapat ay naglalaro pa tayo, di nagliligawan!” Mahabang paliwanag ng kaibigan.

“Hay, iba kami ni Jen, ayoko ding tumanda na ang sakahan ang inaasikaso, Oo bata pa kami, pero magtatapos kami ng pag-aaral naming, magiging doktora si Jen, at di ako magsasaka kagaya ng mga pinsan ko. Yan ang pangako ko kay Jen.” Seryosong sagot niya sa kausap.

~ by vennisjean on March 18, 2008.

2 Responses to “Kabanata 2: Hanggang Kailan”

  1. hmm, puppy love. ahehe!

  2. too young..tsktsk..

Leave a Reply